^

PSN Showbiz

Andi at Albie nag-iwasan!

- Veronica R. Samio -

Marami ang nakakita at nakapansin na nagdedmahan at nag-iwasan sina Andi Eigenmann at Albie Casino sa ginanap na Star Magic Olympics kamakailan. Dumalo si Andi sa kabila ng kanyang kabuntisan sa nasabing sportsfest para suportahan ang kanyang mga kapwa Kapamilya artists. Kasama ni Andi ang kanyang amang si Mark Gil at ang kapatid na si Max Eigenmann.

Dahil Kapamilya rin naman, andun din si Albie na umiwas hindi lamang na magkita sila ng ex kundi ang mag-comment tungkol dito sa media. Para hindi maakusahang nang-isnab ng press, sinagot na lamang ng batang aktor na may mga nakatakda siyang gawing proyekto sa ABS-CBN.

Edu ang bilis umalis sa GMA

Nasa Kapatid Network na rin pala si Edu Manzano. Ang dali naman niyang lumipat, hindi man lang yata kumambyo muna, nilayasan na agad ang GMA? Ang bilis naman niyang nakaalis, bakit hindi ba siya kinontrata?

Sorry na lang ang Kapuso kung hindi nila ito kinontrata at ’yung matagal nang hinihiling na gawin ni Kuya Germs na pagbabalik sa ere ng kanyang That’s Entertainment ay siya namang balitang ibinigay na proyekto ng Singko sa magaling na TV host.

Koleksiyon ng mga teleserye ipalalabas sa isang Channel

Kung kayo ang tipo ng manonood sa TV na mahilig sa mga telenovela lamang, meron nang bagong channel na ang ipalalabas 24/7 ay pawang telenovela lamang. Parang ibinabalik nito ang pagkagusto ng tao sa mga soap opera na dati’y sa radyo lamang napapakinggan pero ngayon ay mapapanood na rin sa telebisyon.

Ang Beginnings at Twenty Plus, Inc. isang kumpanya na unti-unti nang nakikilala sa kanilang paghahandog ng mga malalaki at matatagumpay na concerts na The Last Valentines nAPO Nila, ang Ryan Cayabyab-Ogie Alcasid OC at the PICC, Jose Mari Chan-The Company’s It’s Complicated, at ang multi-awarded martial law indie movie ni Joel Lamangan na Sigwa, ay nakipag-joint venture sa Televisa Internacional, isa namang kumpanya na bumibili ng mga dating soap opera at ipinamamahagi ito sa maraming bahagi ng mundo.

Sa Setyembre ay ilulunsad na ang Telenovela Channel. Itatampok dito ang mga iba’t ibang genre ng mga teledrama na nagtatampok sa mga sikat na artista sa Latin America at Mexico na ipina-dub sa Ingles at maging sa Tagalog.

Ang kumpanya ay pinamumunuan nina Antonio Flores bilang chief executive officer at si Martin Castro naman ang Televisa’s director of new business for Asia. Hahawakan naman ni Perlita Uy ang Telenovela Channel bilang manag­ing director.

Magsisimula sila sa pagpapalabas ng apat na telenovela –The Two Sides of Anna at In the Name of Love.

Susunod ang Passion at pang-apat ang Summer of Love.

Apat na beses uulitin ang apat na telenovelang ito, Lunes hanggang Bi­yernes. Tuwing Sabado, may marathon replay pa.

Alitan nina Sarah at Angeline, lalong lumala

Baka lalong lumala ang alitan sa pagitan nina Sarah Geronimo at Angeline Quinto dahil si Angeline ang pinakabagong endorser ng Belo Essentials na tatlong taon hinawakan ni Sarah. Sa ayaw nila’t sa gusto ay mapipilitan ang dalawa na magkasama sa isang proyekto na itataguyod ng Belo Medical Group.

Sa aminin man o hindi ng dalawa, talagang may gap sa pagitan nila at ito ay hindi nila kinusa. Bunga ito ng intriga na dulot ng showbiz. Nakatulong ng malaki ang pakikisali ng mga tagahanga na ayaw pumayag na mas magaling ang isa kesa sa isa. Sa halip na makatulong para maging magkaibigan ang dalawa, sila pa ang nagsilbing mitsa para magkaroon ng apoy sa pagitan ng dalawang kapwa mahuhusay na singer.

Pagsampal ni Cherie kay Jean, hindi kalakasan

Magandang nagampanan ni Jean Garcia ’yung role niya sa danceserye ng GMA 7, ang Time of My Life. Hindi rin pala niya mami-miss si Eula Valdez, ang dati niyang ka-tandem sa maraming serye na ginawa niya dahil kasama niya si Cherie Gil na nagsilbi niyang kontrabida sa istorya, kaagaw sa pagmamahal ni Raymond Bagatsing na may maganda ring role.

Nakita na rin ’yung napaka-kontrobersiyal na pagsampal sa kanya ni Cherie na ginawang isang napakalaking isyu, gayung kung titingnan naman pala sa screen ay hindi naman ganun kalakas ang impact. Tuloy I tend to believe na talagang ginawa na lang nilang isyu ’yun para sa promosyon ng serye.

Bukod sa kanyang mahusay na pag-arte, magagamit din sa serye ang kahusayan ni Jean sa ballroom dancing. But then hindi rin naman pahuhuli sa kanya si Cherie na minsan ay na-feature na rin bilang isang contestant sa isang celebrity dance showdown. Nauna lang sa kanya si Jean dahil nung nasa That’s Entertainment pa ito at maging nung ma-promote siya at maging co-host ng GMA Supershow ay palaging nabibigyan ng dance production. 

ALBIE CASINO

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANGELINE QUINTO

NAMAN

TELENOVELA CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with