^

PSN Showbiz

Milagro ng Diyos...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nakakaloka ang malakas na buhos ng ulan kahapon pero hindi nito naawat ang pagpunta ko sa Parañaque City para dalawin si Leah Salterio na nagpapagaling na sa kanyang bahay.

Bilib na bilib ako sa fighting spirit ni Leah. Kung hindi nga lang siya nakasakay sa wheel chair, hindi mo iisipin na nagkaroon siya ng stroke sa Amerika dahil normal na normal na ang kanyang pagsasalita.

Sa milagro na nangyari kay Leah, lalo tayong dapat maniwala na may Diyos na tumutulong sa atin at matatakbuhan sa anumang oras na kaila­ngan natin Siya.

Nirentahan ng bahay sa mamahaling village

Kahapon din ang grand presscon ng TV5 para kay Nora Aunor sa Boracay Function Room ng Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong. Marami ang hindi nakapunta sa presscon dahil sa malakas na buhos ng ulan, baha, at trapik.

Nalaman ko agad ang mga nangyari sa presscon dahil sa mga kuwento ng mga reporters na dumalo sa big event ng Kapatid Network.

Pero siyempre, iba pa rin ang mga detalye na alam ko gaya nang pag-upa ng TV5 ng bahay sa isang sosyal na village sa Quezon City dahil dito maninirahan si Nora habang nasa Pilipinas siya.

It’s a must na bumalik sa Amerika si Nora dahil green card holder na siya. Ang immigration lawyer na si Atty. Michael Gurfinkel ang tumutulong kay Nora at nag-aasikaso sa US papers nito.

Naka-check in si Nora sa hotel habang hindi pa siya nakakalipat sa bahay na nirentahan ng TV5.

Kahapon dumating si Nora mula sa California, USA at kahapon din ang schedule ng pagdalaw sa kanya ng mga anak niya.

May mga nang-iintriga kay Lotlot de Leon dahil hindi ito sumundo kay Nora sa airport. Dapat maintindihan ng mga intrigera at ng mga makikitid ang isip na may taping si Lotlot para sa The Sisters at marami pa ang araw na puwede niyang bisitahin ang kanyang madir.

Nanay ni Lotlot si Nora pero “magkapatid” na sila dahil pareho na silang mga artista ng TV5.

At least, may chance si Lotlot na makatrabaho ang nanay niya.

Nora nag-sorry...

Tinandaan ng mga reporters ang pangako ni Nora na magbabago na ito. Tinanggap din nila ang apology ni Nora dahil inamin nito ang kanyang mga pagkukulang. Sandali lamang ang kontrata ni Nora sa TV5. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang isang buwan ang kontrata niya sa TV5 at ire-renew ito, depende sa kanyang availability.

Masuwerte si Nora dahil nandiyan ang TV5 na hindi nagdalawang-isip na sugalan ang pagbabalik niya sa Pilipinas.

Nag-sorry din si Nora sa kanyang mga tagahanga na nadismaya nang hindi matuloy ang unang plano ng kanyang pag-uwi sa bansa.

Pinatawad agad si Nora ng fans na sumalubong sa kanya sa airport.

Na-witness ng Startalk staff ang pag-iyak ng loyal fans ni Nora nang ma-sight nila ang kanilang idolo.

John Rendez Big Love si Nora, inihatid hanggang airport

Hindi kasama ni Nora sa kanyang pag-uwi si John Rendez na natsitsismis din na uuwi ng Pilipinas sa linggong ito. Hindi pa tiyak ang pagbabalik ni John dahil sa outstanding warrant of arrest na bu­nga ng kanyang kaso na illegal possession of firearm and ammunition.

Pinatunayan ni John ang big love niya kay Nora dahil kasama siya sa mga naghatid sa aktres sa Tom Bradley International Airport.

Kumalat agad sa Internet ang mga litrato nina John at Nora sa international airport ng Los Angeles dahil sa mga kababayan natin na nagpa-picture na kasama sila. Ka-join din sa picture si Cora Pastrana, ang ex-wife ni Raymond Bagatsing na naghatid din kay Nora sa airport. Ex-wife raw o!

AMERIKA

BORACAY FUNCTION ROOM

DAHIL

KANYANG

LOTLOT

NORA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with