Shooting ng movie nila ni Dingdong, ipina-feng shui ni Kris
Galing sa Hong Kong sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Baby James at mga yaya para magbakasyon. Sunday lang sila bumalik, in time para sa commemoration ng second death anniversary ni President Cory Aquino kahapon.
Sa text na ipinadala ni Kris last Sunday evening, inalala nito ang ina. Sabi ng text: “I am co-creating a world of PEACE, CARING & GOODWILL. No matter what happens, I choose to be a channel of LOVE.”
Kasunod nito ang, “In loving memory of our mom, Cory Aquino, Jan. 25,1933-Aug. 1, 2009.”
Ibinalita rin pala ni Kris na sa Aug. 23 ang scheduled first day shooting nila ni Dingdong Dantes ng movie na Segunda Mano, entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na sosyo sila at Star Cinema sa direction ni Joyce Bernal.
Nabanggit dati ni Kris na hindi sila magsu-shooting this August dahil ghost month, pero sabi nito ang Aug. 23 (ayon sa feng shui) lang ang magandang petsa para simulan ang pelikula and after this, sa September na uli sila magsu-shooting.
Naikuwento rin ni Kris na nag-enjoy ang mga anak sa rides sa Hong Kong Disneyland. Tinulungan sila ng friend niya na makakuha ng tiket ng hindi na pipila.
Nadine kinikilig kay Leandro Muñoz
Kilala na ang tambalan nina Nadine Samonte at Leandro Muñoz sa The Sisters dahil may kinikilig ’pag nakikita silang magkasama. Gaya na lamang nang makita silang mag-dinner sa isang resto sa The Fort noong isang gabi. Kahit kasama si Bb. Joyce Bernal at ilang staff ng soap, tinukso sila ng mga tao.
Tila nakalimutan ng mga nanukso na may wife na si Leandro at may BF naman si Nadine pero kilig-kiligan lang ito, walang dapat magselos at mag-away. Pero nabanggit ni Nadine na sa three leading men niya sa The Sisters, mas nakakapag-usap sila ni Leandro at pareho silang mag-isip. Nagba-bonding lang siguro ang magka-love team dahil babalik na sa Amerika sa Aug. 18 ang aktor.
Maganda palang sinagot ni Nadine ang tanong kung paano niya ikukumpara ang pinasukang TV5 sa GMA 7 na kanyang pinanggalingan. Sabi nito, “Hindi ko maku-compare ang trabaho ko dahil sa Channel 7 ako galing at kundi dahil sa kanila, hindi ako magiging si Nadine.
“Ang TV5 naman ay batang network at habang naggu-grow ito, maggu-grow din ako at marami akong matututunan.”
Kontrabida ni Nora hindi pa rin sigurado
Ngayong Martes ng umaga ang dating ni Nora Aunor at kasunod nito ang isang big presscon niya sa isang hotel at sa Aug. 4 ay ang mga Noranians naman ang kanyang haharapin sa hindi pa rin namin alam na venue.
Kahapon, muling nag-meeting ang creative staff na bubuo sa mini-series na gagawin ni Guy sa TV5 at malamang palitan na ang original title na Do?a Negra. Kung naayos ang negosasyon, baka special guest si Christopher de Leon at sabi sa amin, kasama rin sa cast sina Ryan Agoncillo at Eugene Domingo.
May kinakausap na isang aktres para magkontrabida kay Guy, pero parang hindi ito papayag kahit nagkasama na sila sa isang pelikula dati. Malaking balita ’pag tinanggap ng magaling ding aktres ang magkontrabida kay Nora.
Magiging reunion nina Guy at Direk Mario O’ Hara ang mini-series at titiyakin ng TV5 na maganda ang kalalabasan at matutuwa ang mga fans ng Superstar.
Lovi dinamitan na sa billboard ng Belo
May nakataas na uli na billboard ni Lovi Poe para sa Sexy Solutions ng Belo at tiyak na wala nang magrereklamo dahil naka-damit ang aktres. Kaya lang kahit naka-bestida na ang dalaga, seksi pa rin talaga.
Maaalalang hindi pinayagang maitaas ang billboard ni Lovi na naka-one-piece swimsuit dahil “too sexy” ang sabi. Para wala na lang isyu, hindi na umapela ang Belo at pinalitan na lang ang billboard.
Anyway, may napili na kayang leading man ni Lovi para sa Aswang? Si Dennis Trillo pala ang napiling itambal sa aktres, kaya lang magkapareha rin sila sa My Neigbor’s Wife at baka magkasama rin sa Yesterday, Today, and Tomorrow, kaya papalitan na lang. Hintayin natin kung sino na ang makakapareha ng young actress sa bago niyang pelikula.
Isa rin si Lovi sa list sa 100 Most Beautiful Stars ng Yes! mag. Honored ito na mapasama sa listahan at nagpasalamat sa staff ng magasin at sa mga bumoto sa kanya.
- Latest