^

PSN Showbiz

Vice 'pinatay' sa HK!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - “All rumors about Vice meeting a car accident is FALSE! Just spoke to her and Liz!! Whoever started that rumor is so mean. Kaloka,” tweet ni Anne Curtis kahapon tungkol sa kasamahan niya sa programang Showtime.

Mabilis kasing kumalat sa Twitter kahapon na namatay si Vice sa isang aksidente.

Nung minsan din ay nabalitang namatay na si Ely Buendia.

Nasa HK si Vice last week dahil kasama siya ng grupo ni Kris Aquino na nagbakasyon.

Mukhang sa kawalan ng intriga sa showbiz, nag-iimbento ang iba ng puwedeng pag-usapan.

Lotlot mas inuna ang shooting kesa sa kanyang mommy

Nag-share ang katotong si Mel Navarro ng interview niya kay Lotlot de Leon tungkol sa pagdating ng ina nitong superstar sa bansa.

Ayon sa article, ayaw makigulo ni Lotlot sa mala-circus na pagsalubong sa kanyang matagal na hindi nakikitang mommy kanina madaling araw

“Unang-una, pagod ‘yun. Pag settled na o nakapahinga na si Mommy, pupuntahan ko na lang siya.  

 “Pagod yun, e. Ayoko namang makisiksik.

 “Although, ang sabi nga ni Albert, nag-usap sila ni Mommy kaninang umaga sa cell phone.

 “Pinapa-relay nga ni Mommy na gusto raw niya, pagdating niya sa hotel gusto niya, nandoon kami lahat na mga anak niya.

 “Kaso wala nga ako dahil I have shooting. Sabi ko, ‘yung mga bata, isasama ko na lang pag nagkita kami. Para isang puntahan na lang,” sabi sa interview ni Lotlot.

Piolo hindi nangangati ang anit

Marami ang namamangha sa appeal ni Piolo Pascual. Kung sabagay para sa tulad niyang iniilusyon ng marami, kailangan nga naman niyang maging laging pogi paggising pa lang. Kailangan la­ging kaaya-aya ang heartthrob kahit nasaan siya - nasa taping, rehearsal, pictorial, shooting at kung anik-anik pa.

Kung paano niya napapanatili ang kanyang kahanga-hangang appeal ay isang palaisipan para sa marami. Buhok pala ang secret niya. At kita mo ito sa unang sulyap pa lamang.

Ang kanyang buhok pala ang unang-unang napapansin ng kanyang fans, lalo na ng mga kababaihan. At ayon naman kay Piolo, isa lamang ang pinagmumulan ng kanyang nakakabilib na kaguwapuhan.

“Lagi kong pinapanatiling malusog ang aking buhok,” ayon kay Piolo. “Sa trabaho kong ito, malaki ang nagagawa ng buhok sa mga roles na ginagampanan ko. Minsan naka-Mohawk ako na parang rockstar; minsan naman ay kailangang maayos. Kaya laging kailangang healthy ang buhok ko.”

Ang pagpili ng tamang shampoo ay mahalaga para kay Piolo. Matapos niyang masubukan ang iba’t ibang brands, natagpuan niya ang kanyang hinahanap sa shampoo - Clear Men.

“Laging nagda-dry ang buhok ko noon dahil sa mga styling products na ginagamit ko, at dahil na rin sa init ng araw kapag may shooting,” pag-amin pa ni Piolo. “Minsan pa nga ay nagiging makati ang anit ko at kapag medyo minamalas ay may falling hair pa! Pero sa tulong ng Clear Men, ‘di na ko namomroblema pa. Nag-e-endorse ako ng mga produkto na may tiwala ako, at talagang malaki ang tiwala ko sa Clear Men sa simula pa lang.”

Kuwento pa ng aktor, malaki ang naitulong nito para kay Piolo dahil sa taglay nitong Pro Nutrium 10, ang Clear Men na tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na anit, kung saan nagmumula ang kalimitang suliranin ng buhok. Ito ay may dalawang mabisang sangkap laban sa balakubak – Zinc Pyrithione and Climbazole – na hinahadlangan ang balakubak at iba pang suliranin sa buhok.

Ayon kay Piolo, mabisa rin ito dahil   may natata­nging formulation na bagay sa anit ng mga lalaki. Ayon sa mga pananaliksik, ang anit ng mga lalaki ay mas madaling magkaroon ng balakubak. “Noong hindi pa ako gumagamit ng Clear, madalas kumati ang aking anit. Na­ging conscious ako at lagi akong alisto sa mga visible flakes,” pahayag ni Piolo.

 “At talaga namang na-im­press ako sa resulta ng paggamit ko ng Clear Men. At lalong napoprotektahan at na­­­pa­­panatiling malusog ang buhok at anit ko,” say pa niya na mabisa rin itong nagsu-supply ng mga bitamina at nutrients sa anit. 

                                        

ANIT

BUHOK

CLEAR MEN

LOTLOT

NIYA

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with