^

PSN Showbiz

Edu, variety show ang unang assignment sa Kapatid

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Variety show pala ang project ni Edu Manzano sa TV5 at kinumpirma ito ng aking source na insi­der sa Kapatid network.

At least, ibang linya naman ang susubukan ni Edu dahil puro game shows ang mga ginawa niya sa mga nakalipas na taon.

Nag-ober da bakod na nga si Edu. Mula sa GMA 7, tumawid siya sa TV5.

Ang sey ng aking source, si Edu ang magiging host ng show na mala-That’s Entertainment ang concept.

Si Edu na ba ang bagong Kuya Germs na maraming young stars na pinasikat noon?

Ex-lovers halos isuka ang isa’t isa ‘pag nagkikita

Paghihiwalayin na ang ex-lovers na hindi na nagkasundo mula nang maghiwalay sila. Bibigyan ng ibang show ang aktres para hindi sila nagkikita ng kanyang actor-boyfriend.

Desisyon ng management na paghiwalayin ang dalawa bago tuluyang lu­mala o tumindi ang kanilang pagdededmahan. Napapansin na rin ng viewers ng kanilang show na hindi na sila komportable sa isa’t isa.

Kung love nila noon ang isa’t isa, hindi na matagalan ng aktor at ng aktres na magkasama sila sa isang frame ngayon.

Hindi sila nagsasalita tungkol sa kanilang break up pero halatang-halata na malalim ang ugat ng pinag-awayan nila.

Actor-politician na asawa ng aktres may ibang babaeng madalas na kasamang rumarampa

Ibang babae ang madalas na nakikita na kasama ng actor-politician kaya nagkaroon ng isyu na hiwalay na sila ng kanyang misis. Matangkad at mahaba ang buhok ng girl na idini-display ni actor-politician kapag rumarampa ito sa mga mall.

Hindi true ang tsismis na hiwalay na ang actor-politician at ang kanyang misis na aktres dahil na-sight ito sa SONA ni P-Noy. Kung sino ang matangkad na babae na spalaging kasama ng actor-politician? Ito ang dapat imbestigahan ng asawa niya na hindi yata aware sa mga nagaganap na milagro.

Time of my life iba ang energy

Type ko ang theme song ng Time of My Life dahil bagay na bagay ito sa bagong danserye ng GMA 7.

Naeengganyo na sumayaw ang televiewers kapag naririnig nila na pinatutugtog ang theme song.

Nag-promote kahapon sa Eat Bulaga ang cast ng Time of My Life at sa energy na ipinakita nila, talagang magkakaroon ng interes ang televiewers na panoorin ang kanilang danserye.

Gusto ko na mag-rate ang Time of My Life para lalong ganahan na magtrabaho ang bagets cast na nagpupuyat at nagpapagod para sa ikagaganda ng show nila.

Mga Pinoy sa Israel faithful sa PSN

Mama Salve, binabati ko ang PSN readers sa Israel. Hindi ko akalain na marami pala sa mga kababayan natin sa Israel ang nagbabasa ng PSN.

Nag-message sa akin si Ge­rald ng Israel na ipinababati ang mga Pilipino sa Israel. I-greet ko raw siya at ang kanyang grupo, ang Batangas Raging Colligation. Na-excite yata si Gerald sa request niya kaya nalimutan niya na banggitin ang kanyang apel­yido.

Hindi lamang ang mga Pinoy sa Israel ang gusto ko na i-greet at pasalamatan. Maraming sala­mat din sa mga kababayan natin sa buong mundo na tumatangkilik sa PSN online.

Nagre-request din sila na magkaroon na ng online edition ang PM. Huwag kayong mag-alala dahil ipararating ko kay Papa Miguel Belmonte ang inyong mga kahi­lingan.

BATANGAS RAGING COLLIGATION

EAT BULAGA

EDU

EDU MANZANO

KUYA GERMS

MAMA SALVE

TIME OF MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with