Mark, wala nang oras kay Ynna
Pitong buwang napahinga sa teleserye si Mark Herras at ngayon, balik-trabaho sa danserye na Time Of My Life bilang si Patrick na iibig kay Shane na gagampanan ni Kris Bernal.
First time niyang makatrabaho ang aktres at hindi naman sila naiilang sa isa’t isa dahil magkaibigan ang dalawa sa tunay na buhay.
Sinabi ni Mark na noong nag-aaral pa lang siya ay dancer na siya at lalo pa itong nahasa nang sumali at manalo sa Starstruck hanggang makilala na sa pag-arte at pagsayaw.
Kumusta naman si Ynna Asistio, his girlfriend) ?
Totoo bang hiwalay na kayo?
‘‘Hindi po totoo yan! Hindi na lang kami madalas magkita dahil busy lang pareho pero kami pa rin,’’ aniya.
Cherie, laging galit at laging sumisigaw
Nakakuwentuhan namin si Cherie Gil sa presscon ng Time Of My Life.
As usual, kontrabida na naman ang karakter niya kaya lagi na naman siyang galit at sumisigaw.
‘‘Nakaka-drain physically and emotionally. Wala na akong boses dahil sa kasisigaw at paulit-ulit ang body pain ko dahil sa pagiging kontrabida,’’ paliwanag ni Cherie.
Tinanong din namin sa kanya ang isyu sa kanila ni Jean Garcia kung saan sinampal niya ito nang wala sa script dahil daw sa insecurity. Mas mahal daw ito ng staff at mas magaganda ang mga damit nito kaysa sa kanya.
‘‘Hindi totoo ‘yan. Maganda naman ang working relationship namin. I’m just doing my job,” sagot niya.
Maasahan din sa pagsasayaw si Cherie Gil - kumuha pala siya ng jazz lessons noon at mahilig ding sumayaw kaya kayang makipagsabayan sa magagaling sumayaw sa danserye na mapapanood na ngayong Lunes, August 1 sa Telebabad block ng GMA 7.
- Latest