Galit ni Claudine kay Angelica hindi pa humuhupa
Hindi man magbanggit o nagbanggit ng pangalan si Claudine Barretto, kilalang-kilala natin ang tao na minahal niya ng sobra pero naging dahilan nang muntik na pagkasira ng kanyang pamilya.
Artista rin ang tinutukoy ni Claudine na itago natin sa pangalan na Angelica Panganiban dahil ito lang naman ang kanyang nakaalitan. Mabuti na lang, hindi humantong sa demandahan ang kanilang feud!
Sa interbyu ng Startalk kay Claudine, idinenay niya ang sinabi ni Kris Castro na 30 times siya na tumatawag sa cell phone ng businessman na si Martin Castro.
The who si Kris? Siya ang misis ni Martin, ang mhin na na-link noon kay Claudine na gulat na gulat dahil hindi totoo ang mga paninira sa kanya.
May hamon si Claudine na magpakitaan sila ng mga cell phone bills para mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.
Ikinabigla rin ni Claudine ang balita na nali-link siya kay Wendell Ramos. Nagkasama sila ni Wendell sa Jillian: Namamasko Po at wala siyang kamalay-malay na binigyan na pala ng malisya ang tambalan nila ng male co-star.
Visible na uli si Claudine sa TV dahil nag-umpisa na ang taping ng Iglot, ang primetime show niya sa GMA 7 na magsisimula sa Aug. 29.
Makakasama ni Claudine sa Iglot sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, at Patrick Guzman.
Parang reunion ng mga ex-contract stars ng ABS-CBN ang mga bida sa Iglot ha?
Show ni Manny mas dumarami ang sumusugod
Nag-swear ang aking kapatid na nanood ng Manny Many Prizes sa Cuneta Astrodome noong nakaraang linggo na never na siyang manonood ng live telecast ng game show ni Congressman Manny Pacquiao.
Naloka ang aking kapatid at ang kanyang mga kasama sa mga eksena na na-witness nila, ang mga tao na nagtutulakan at nag-uunahan na makapasok sa loob ng Cuneta Astrodome. Dedma ang mga tao sa paulit-ulit na pakiusap na pumila sila at huwag pairalin ang kaguluhan.
Live ang game show ni Papa Manny at kahapon, napuno uli ng audience ang Cuneta Astrodome. As usual, nag-unahan at nagkagulo sila.
Habang tumatagal ang Manny Many Prizes, lalong dumarami ang mga kababayan natin na dumadayo sa Cuneta Astrodome dahil umaasa sila na maaambunan ng mga datung na ipinamimigay ni Papa Manny.
Kris malusog kahit payatot
Healthy naman at mukhang walang sakit si Kris Bernal nang mag-guest ito kahapon sa Startalk para i-promote ang Time of My Life.
Hindi matapus-tapos ang mga tsismis na bulimic at anorexic si Kris dahil sa kanyang manipis na pangangatawan.
Ako mismo ang magsasabi na normal na normal si Kris. Dati na siyang payat at nabawasan pa ang kanyang timbang dahil sa mga rehearsals para sa Time of My Life.
Kinabubuwisitan na ang pagiging ‘preachy’Amanda Coling nega at gimikera ang image
May sawa factor si Amanda Coling dahil marami ang hindi naaaliw sa mga interbyu sa kanya.
Kahit paulit-ulit sabihin ni Amanda na huwag magalit sa kanya dahil wala siyang ginagawa na masama, nega at gimikera pa rin ang image niya sa mga tao.
Hindi ang tipo ni Amanda ang magtatagal sa showbiz, kung talagang pangarap niya na maging artista, dahil hindi siya lovable.
Turn-off ang mga tao sa kanyang pagiging “preachy.”
Hindi maaabot ni Amanda ang narating noon ng dating sexy star na si Amanda Page!
- Latest