Erik nade-develop na kay Angeline
Kamakailan ay magkasamang nag-guest sa Kris TV sina Erik Santos at Angeline Quinto at noon ay tinukso sila ni Kris Aquino na bagay silang dalawa. Unang nagkasama sina Erik at Angeline sa Star Power at aminado naman ang Pop Prince na humahanga siya sa personality ni Angeline at bukas din ang posibilidad na magkamabutihan sila ng dalaga.
“Medyo kilala ko si Angeline and masasabi kong napakabait, professional, hardworking, and kumbaga naive siya sa mga bagay. Malay natin? Sa ngayon mabuti po kaming magkaibigan at natutuwa ako sa na-achieve niya. Excited ako sa pagsasama namin sa concert abroad,” pagtatapat ni Erik.
Samantala, makakasama ni Erik sa kanyang Power Ikons concert si Angeline sa darating na Aug. 12 at 13 sa Music Museum. Maaaring bumili ng tickets sa Ticketworld, tumawag lamang sa 891-9999.
Ogie kakaiba ang nararamdaman sa anak na lalaki
Mag-aanim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Regine Velasquez.
Lalaki ang magiging anak nila ni Ogie Alcasid base sa ultrasound na isinagawa kamakailan kaya naman ngayon pa lamang ay excited na rin si Ogie dahil ngayon lang siya magkakaroon ng anak na lalaki.
“Natuwa ako, ang ganda ng ngiti ng asawa ko kasi I think she really wanted a boy. Noong nalaman niyang lalaki, talagang wow! Iba ’yung saya niya, iba ’yung feeling, and it only dawned on me nung nalaman ko, kasi I’m used to calling ’yung mga anak ko daughters, now I’m calling him a son. So, may son na nga ako. Iba pala, iba pala ’yung pakiramdam. I’m overjoyed, really, really blessed,” pahayag ni Ogie.
Mayroon na rin silang naiisip ni Regine na ipapangalan para sa kanilang baby boy. “Mukhang nasa Nathaniel James kami. Nathaniel kasi means gift of God, ang naiisip naming nickname is Nate, parang ang pogi ’no? Nate, I don’t know. Sabi nga ng asawa ko malalaman natin pangalan ng sanggol paglabas niya. Maganda lang ’yung tunog ng Nathaniel James sa tenga ko,” nakangiting share pa ni Ogie.
Magkapatid na HAPPY FEET nawalan ng datung at mga gamit sa taxi
Nawalan ng pera at ilang mahahalagang gamit kamakailan sa loob ng isang taxi ang magkapatid na grand finalist ng Pilipinas Got Talent Season 2, ang Happy Feet na sina Ramonito at Lourdito Mata.
“Sumakay kami ng taxi, pagsakay namin ng taxi, sabi ko doon na lang ilagay ’yung gamit sa gitna kasi malaki talaga ’yung space. Sabi ni Lourdito sa likod na lang. Nagkausap kami, nakatulog ako, ’tapos binayaran agad ng kapatid ko ’yung taxi driver, ’tapos pagbaba namin, dumiretso agad ’yung taxi.
“Hinabol namin kasi nandun talaga ’yung pinaghirapan namin ng kapatid ko. May 30,000 po doon. Mabuti na lang at hinati ko po, 30,000 sa bulsa ko, 30,000 nandoon,” malungkot na kuwento ni Ramonito.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest