Kapamilya stars handa na sa 2nd Star Magic Games
MANILA, Philippines - Naghahanda na ang mga Star Magic artists para sa 2nd Star Magic Games na gaganapin sa July 31. Pangungunahan ito nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Enchong Dee, at Gerald Anderson.
Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN Cable Channels at Print Media Group, ang palaro ay magkakaroon ng apat na competing teams (blue, green red, and yellow). Ang mga Kapamilya stars ay maglalaro sa basketball, volleyball, badminton, dodgeball, tug of war, at fun games. Ang main event ay ang all-star exhibition game ng Star Magic Basketball Team nina Rayver Cruz at Gerald Anderson laban sa ASAP Rocks Team nina John Prats, Gab Valenciano, Vhong Navarro, Gary Valenciano, at Martin Nievera.
Ang mga team captains na sina Carlos Agassi, Drei Felix, JM de Guzman, at Joem Bascon ang bahala sa kani-kanilang basketball team. Ang volleyball game team captains naman ay sina Bettina Carlos, Dionne Monsanto, Cherry Lou, at Angelica Panganiban.
Bida naman sa kids division ng mga fun games sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat habang sina Julia Montes at Kathryn Bernardo ang team leaders sa pre-teens division.
- Latest