Erik tutulong sa isang cancer foundation
Naghahanda na ngayon ang Pop Prince na si Erik Santos para sa nalalapit niyang major concert sa darating na Aug. 12 and 13. Gaganapin ang two-night show sa Music Museum kung saan makakasama ni Erik sina Angeline Quinto, Miss Saigon (Germany) Stephanie Reese, G-Force dancers, at ang Concert Queen na si Pops Fernandez.
PowER IKons ang title ng nasabing concert na hango rin sa pangalan ni Erik. Maganda ang konsepto ng show dahil bibigyan ng tribute ni Erik ang lahat ng greatest hits ng mga kilalang music at movie icons katulad nina Madonna, Elvis Presley, Michael Jackson, Celine Dion, Whitney Houston, Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera, at Basil Valdez. Nakakahanga si Erik dahil ilalaan niya ang kikitain ng concert para sa Bosom Buddies Cancer Foundation. Para sa mga nais bumili ng tickets, maaaring tumawag sa Ticketworld 891-9999.
Priscilla naglilihi sa Brazilian Bread
Maayos ang pagbubuntis ni Priscilla Meirelles pero meron itong isang pagkaing pinaglilihian ngayon.
“Lately I’ve been craving for Brazilian bread but I didn’t have the courage to search on the Internet. I was able to buy in Miami kasi maraming Brazilian Panaderias in Miami pero dito (Pilipinas) wala. So, sa susunod I’m gonna experiment and bake Brazilian bread,” kuwento ni Priscilla.
Marami ring nilalambing si Priscilla kay John Estrada ngayon. “Request ko araw-araw dapat early in the morning smiling ka. Even tired gusto ko smile lagi so okay. He’s very sweet. Trying to communicate palagi. He’s kissing my belly, ganun.
“Meron akong mga requests, hungry ako, can you buy me this, buy me that? He’s very open, accommodating, and sabi niya, lucky ka dahil pregnant ka,” nakangiting paglalahad ng Brazilian beauty queen.
Robin at Mariel tuloy na sa Vatican Wedding?
Noong Martes ay lumipad papuntang Europe ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez para sa kanilang pangalawang honeymoon.
“Isa ’yan sa mga pangarap namin na makapunta sa Rome, kaya nagpapasalamat kami, una sa ABS-CBN, dahil sa binigay nilang pagkakataon, na bakasyon at pinayagan kami ni Mariel,” pahayag ni Robin.
Magaganap na kaya ang napabalita kamakailan na planong pagpapakasal nina Mariel at Robin sa Vatican?
“Sa totoo lang, surprise ito ni Robin, so hindi ko alam ang itinerary. Wala akong alam. Siya (Robin) ang nagpaalam sa ABS at sa Happy Yipee Yehey! na makapunta ako,” sagot naman ni Mariel.
Abangan na lamang natin ang kanilang pagbabalik. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest