^

PSN Showbiz

Lola Ana nanghina dahil sa gamot

-

MANILA, Philippines - Mas nagiging makatotohanan ang mga nangyayaring eksena sa Munting Heredera ng GMA 7 na napapanood gabi-gabi.

Sa eksena ngayong gabi : panay ang dasal ni Lynette na matuluyan na sina Lola Ana at Philip, pero hindi dinidinig ang kanyang panalangin. Umatras na ang hired goons nila para patayin si Philip sa takot na mahuli na sila next time, at mabilis ding nakaka-recover mula sa sakit si Lola Ana.

Papayuhan ni Claire si Lynette na umalis na lang sa mansion bago pa siya tuluyang mabuko kapag nagising na si Philip. Hindi papayag si Lynette na aalis siya roon na walang makukuha man lang sa mga Montereal. Pupunta siya sa ospital para hingin ang 50 million na una nang inalok sa kanya ni Lola Ana.

Samantala, nagtatangka nang tumakas si Simeon sa kulungan kasama nang iba pa niyang mga kasamahan pero hindi magtatagumpay si Simeon.

Sugatan siyang makikita sa TV nila Sandra at Michelle, takot dahil alam nilang pinipilit nitong ma­ka­labas sa kulungan. Galit na bibisitahin din siya ni Jacob para pagsabihan, pero imbis na matakot ay iigting lang ang kagustuhan niyang makalaya.

vuukle comment

GALIT

LOLA ANA

LYNETTE

MICHELLE

MONTEREAL

MUNTING HEREDERA

PAPAYUHAN

PUPUNTA

SAMANTALA

SUGATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with