^

PSN Showbiz

Manang Inday ngayon lang nakipaghalikan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sayang, hindi ko napanood ‘yung eksena ni Susan Roces whom I fondly call, Manang Inday kahit mas matanda ako sa kanya, sa last episode ng Babaeng Hampaslupa na kung saan ay nagkaroon siya ng kissing scene kay Freddie Webb. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong ma-shock dahil sa tagal niyang artista, never ko pa siya nakitang pumayag na magkaroon ng ganitong eksena, lalo na nung bata-bata pa siya.

Pero pumayag siyang magkaroon nito kung kelan may edad na siya. ‘Di ko tuloy malaman kung isa lang itong pagkaraniwang smack on the lips o ‘yung puwedeng sabihing may pagka-hot o torrid.

I’m sure sumubok lang si Manang Inday at ngayong nakita na niya ang resulta nito, natatawa na lang siguro siya.

Azkals ‘di dapat nilalait!

May dapat bang ikahiya ang Azkals sa pagkatalo nila sa koponan ng Kuwait? Eh dapat expected na natin ito dahil maituturing na baguhan pa ang grupo sa sports na football. At pangu­nahing laro sa nasabing bansa ang football samantalang mas popular dito sa atin ang basketball. Let’s give the Azkals more time at sigurado naman ako na maiaangat nila ang ating bansa sa sports na ito.

Kung sa pagkatalo nila sa Kuwait ay iko-condemn na natin sila, ano bang klaseng kababayan tayo?

Suporta ang kailangan ng grupo sa atin at hindi panlalait.

Pagkakaisa ang Tagumpay

Gusto kong batiin ang Star Group of Companies sa kanilang 25th anniversary. Gusto kong papurihan si G. Miguel Belmonte, president at CEO ng kumpanya sa kanyang mahusay na pamamahala dahil sa naiangat niya ang kumpanya na itinatag ng kanyang ina at ngayon ay kinikilala sa larangan ng pamamahayag at  printing.      

Napakasaya ng kanilang selebrasyon na ginanap sa Tent ng Manila Hotel nung Lunes ng tanghali. Pati kami ni Vero (Samio) nakipaglaro ng bingo at umasam na makapag-uwi ng mula sa P7,500 hanggang sa P20,000.

Ang daming cash na pinakawalan ang kumpanya, ang daming pa-raffle na  ina-alternate sa mga musical numbers na sinalihan ng mga guest stars na tulad nina Marcelito Pomoy, Sam Concepcion, Daiana Meneses, at Sam Pinto na tumulong sa raffle draw, Yeng Constantino, Sam Milby at lalo na ng mga empleyado nang lahat ng kumpanya ng Star na siyang naging bida nung araw na ‘yun.

Hindi ko alam na magaling palang mag-dance si Boss Miguel who performed a special dance number with his company’s baskeball and badminton players.

Boss Miguel may be boss to all his empleyados but at the same time he is also a friend to all of them. ‘Yun sa palagay ko ang sikreto ng success ng Star Group, ang kanilang pagkakaisa.

Again, happy anniversary and more power.

vuukle comment

AZKALS

BABAENG HAMPASLUPA

BOSS MIGUEL

DAIANA MENESES

FREDDIE WEBB

MANANG INDAY

MANILA HOTEL

MARCELITO POMOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with