^

PSN Showbiz

Pamilya ni Anne botong-boto sa kanyang BF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Naipakilala na pala ni Anne Curtis sa kanyang pamilya sa Australia ang kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff. “Last year pa ‘yun actually, last year pa sila nag-meet so medyo huli kayo sa balita,” natatawang kuwento ni Anne.

Welcome na welcome raw si Erwann sa pamilya ni Anne kung sakaling mu­li itong dadalaw doon. “Anytime naman that he’s free and wala siyang work of course, he’s always invited to family gatherings,” dagdag pa ng dalaga.

Masaya ngayon si Anne dahil nakasama siya sa Top 20 celebrity endorsers of 2011 ng Yes Magazine. “Wow! Siyempre nakaka-flatter, it makes me so happy na nandun ‘yung trust na binibigay sa akin. I’m happy kasi dito din sa commercials na ito binigyan ako ng chance kumanta. Ang bongga ‘di ba, so it’s happy to be able to do something that you love at the same time, have fun while doing it,” pahayag ni Anne.

Nakatakda na ring i-release ang album na ginagawa ni Anne ngayon. “Malapit na, next month na yata. Ang target date is August, so ang target month actually is August we’re really finishing all the songs and finalizing yung line up, taray,” pagtatapos ng aktres.

Diether naghihintay sa ibibigay ni Lord na bagong GF

Matagumpay ang ginanap na Golf Tournament na inorganisa ni Diether Ocampo noong Huwebes sa Tagaytay.

Natutuwa ang aktor dahil sa suportang ipinakita sa kanya ng mga kaibi­gan sa loob at labas ng showbiz sa pangalawang pagkakataon.

Nakalaan ang proceeds ng nasabing event para sa mga charitable activities partikular na ang K.I.D.S. Foundation ni Diether. “Kasi ang goal namin, mailaan ito sa proyektong pang-edukasyon, prog­ramang Knowledge channel at ‘yung library, ‘yung mga existing programs ng K.I.D.S. Foundation. May mga scholars din kami, sumusuporta din kami sa public schools kaya kailangan continuous ‘yung mga organizing ng events para ma-sustain ‘yung mga programa,” pahayag ni Diet.

Ang Diether Ocampo Golf Cup ay ang naging post birthday celebration ng aktor. “Isang napakagandang regalo ito para sa aking kaarawan this year, kaya todu-todo ang aking pasasalamat sa lahat ng ating mga kaibigan at mga kapamilya sa industriya. Hindi ganun kadali na gawin ang ganitong klaseng event na mapagsama-sama mo silang lahat,” paliwanag ni Diether.

Samantala, hindi naman daw nagmamadali ang aktor na magkaroon ng love life sa ngayon. “Pagbigyan n’yo naman po ako na ma-enjoy ko kahit papaano itong pagiging single ko, hindi naman din magtatagal makikilala n’yo kung sino ang ilalaan sa atin ng Diyos. I’m not in a rush and I’m very happy that I’m getting big projects left and right. Kung sino man ‘yung ipapakilala sa atin sana, ibato mo na Lord so kumbaga ‘yun na ‘yun,” hiling pa ni Diet.

-Reports from JAMES C. CANTOS

ANG DIETHER OCAMPO GOLF CUP

ANNE CURTIS

DIETHER OCAMPO

ERWANN HEUSSAFF

GOLF TOURNAMENT

LSQUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with