Kobe at Pacman pareho ang ugali
Hindi ako mahilig sa basketball pero pinanood ko sa TV ang delayed telecast ng laban ng NBA Stars at Smart Gilas.
Bilib ako sa mga Smart Gilas players dahil sa husay nila. Parang mas magaling pa sila kesa sa mga players ng PBA stars na unang nakalaban ng NBA Stars noong Sabado.
Type ko na si Kobe Bryant dahil siya mismo ang lumapit at bumati kay Congressman Manny Pacquiao nang dumating ito sa Smart Araneta Coliseum.
Naniniwala ako na friends ang dalawa, base sa pag-uusap nila. Hindi lang ako sure kung ano ang pinag-uusapan nina Kobe at Papa Manny dahil hindi ako magaling sa lip reading.
Superstar sa sports sina Kobe at Papa Manny dahil sa kanilang mga ugali. Pareho silang mga down-to-earth type.
Lucy nakalimot na kay Douglas?
Mama Salve, sorry hindi ko natupad ang OPM (oh, promise me) ko na pupunta ako sa silver anniversary celebration kahapon ng Star Group of Companies sa Manila Hotel.
Maraming dahilan ang pagkakaudlot ng pagdalo ko pero hindi ko na iisa-isahin pa. Sabihin na lang natin na na-depress ako dahil birthday kahapon ni Douglas Quijano pero hindi natuloy ang get-together na ipinangako sa akin ni Lucy Torres nang magkita kami sa silver wedding anniversary nina Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado noong May 28.
Hindi ko pa nalilimutan ang sinabi ni Lucy na huwag na akong magtampo dahil gagawa siya ng paraan na magkaroon ng misa or whatever sa birthday ni Dougs na hindi nangyari noong nakaraang taon.
Tinandaan ko ang OPM ni Lucy pero hanggang kahapon, wala akong nabalitaan na may inihanda siya para gunitain ang birthday ni Dougs. O baka naman busy si Lucy dahil kahapon din ang State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy?
Naalaala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Dougs noong nabubuhay pa siya na hindi ako dapat maging mapaghanap dahil maigsi ang memory ng mga tao lalo na sa showbiz.
Once na natsugi ka na, huwag ka nang mag-expect na maalaala ka pa nila na totoo naman, base na rin sa mga nakikita at nararanasan natin.
Basta ako, never na nakalimot sa mga birthdays at death anniversaries ng mga mahal ko sa buhay.
May listahan pa nga ako ng mga birthday nila kaya nababati ko sila sa Startalk.
Treat sa balikbayang Startalk staff
Hindi ko napanood ang SONA ni P-Noy dahil pinuntahan ko ang blowout para kay Barbara Dimapilis, ang dating staff member ng Startalk na nag-migrate sa Portugal at nagbalik-bayan para magbakasyon.
Tuwing Lunes ang meeting ng Startalk staff kaya imbes na gawin iyon sa GMA 7 canteen, nag-meeting kami sa Via Mare, Morato branch bilang treat kay Barbara at sa kanyang Portugese husband.
Matagal na nagtrabaho si Barbara sa GMA 7 at nakarating na ako sa bahay nila sa Portugal dahil dito kami tumira nang magliwaliw kami sa Europe, ilang taon na ang nakararaan.
- Latest