Indie films dinumog!
Talaga namiang bumubongga ang mga indie films, dinarayo ang ginaganap na Cinemalaya Film Festival sa CCP at maging sa ilang sinehan sa Makati.
Kasama na rin ako sa mga manonood ng mga pelikulang ipinalalabas dito.
Kagabi ay pormal nang nagtapos ang Cinemalaya Film Festival. Sayang parang lubhang napakaiksi ng festival nila.
Dapat sigurong dagdagan nila ng araw para mas marami pang makapanood nito.
Gusto kong sabihin na malaki na ang inunlad ng mga indie o ‘yung tinatawag na digital films natin. Kaya naman pala nag-uuwi sila ng karangalan from international film festivals.
Magaganda na ang mga istorya at ‘di tulad ng dati na kung sinu-sino lang ang mga artistang kinukuha, ngayon, may mga pangalan na at sikat na artista ang lumalabas sa mga ganitong pelikula.
Suportahan natin ang mga independent films natin, nakakattulong sila ng malaki para mapanatiling buhay ang industriya ng ating pelikula.
Mariel nagtatanggal ng stress
Sobra naman ‘yung mga nagsasabing dahil lang nahuling nagsisisigaw si Mariel Rodriguez sa kanyang dressing room ay sinabi na agad na ayaw na nitong magtrabaho, gusto na lang bumuntot sa kanyang asawa. Baka naman nagri-release lang ito ng tension, tao rin naman ang mga artista na napapagod din, nai-stress.
- Latest