Caseylin Francisco, Celine Dion ang career sa Netherlands
Nakapanood ako ng video ng dating That’s Entertainment member na si Caseylin Francisco na isa nang celebrity sa Netherlands.
Ilang taon nang residente si Caseylin ng nasabing bansa na nagsimula nang gampanan niya ang main lead sa Miss Saigon. Ngayon ay itinuturing na siyang Celine Dion at Disney Princess ng Netherlands at walang humpay sa paggawa ng mga stage musicals doon.
Nakapangasawa ito ng isa ring stage actor pero wala pa silang supling kaya nagagawa ni Caseylin na makapag-concentrate sa kanyang pagkanta.
Sa Netherlands pumunta si Caseylin nang mawala ang That’s…Nakuha siya para sa Miss Saigon na matagumpay niyang nagampanan ng ilang taon.
Hindi na siya nakauwi dahil nagkasunud-sunod na ang kanyang mga projects dun. Hanggang ngayon in demand pa rin siya at lalo siyang minamahal ng mga Dutch dahilan sa kanyang kahusayang magperform.
Sagot ni Marian hinihintay pa rin!
Marami ang nagsasabi na hindi si Marian Rivera ang tipo na basta na lang mananahimik sa isang isyu, lalo’t ang isyu ay luma na at hindi ngayon lamang nangyari sa kanya at may kinalaman pa sa kanyang boyfriend at ang insecurity niya sa relasyon nila. Sigurado, disappointed din ang kanyang mga fans na handa siyang ipaglaban kung kinakailangan.
Heart Evangelista has aired her side in a grand manner, sa pamamagitan ng isang presscon, sa mga nauna nang sinabi ng Reyna ng Primetime ng Kapuso Network na kinompronta siya dahil lamang sa pagiging open nito sa pagsasabing excited siyang makasama sa isang project ang boyfriend niya.
Mahirap paniwalaan na ‘yun lang ang nagbunsod kay Marian na puntahan si Heart sa dressing room nito nung nagso-shooting sila ng Temptation Island para lang siya warningan at takut-takutin.
At ano naman ang ikakatakot nito sa kapwa niya aktres eh, hindi ba may sabit na si Heart? Hindi naman ito open for another relationship.
Kung si Marian ang tama at mali ang pinagsasabi ni Heart, the more na kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Ang pasya niyang manahimik na lamang ay nagbabadya ng isang kasalanang ayaw niyang aminin?
If she’s wrong then she’s wrong, it would have made a big difference kung tinanggap na lamang niya ang pagkakamali niya, ito naman ay kung mali nga siya, at siguradong mas mamahalin at maiintindihan siya ng lahat kung nagkamali man siya kay Heart, at sa ilan pang nauna rito, in the name of love.
JLC at Sarah hindi pa 100% na ok
Hindi man natuloy ang movie ni John Lloyd Cruz kay Sarah Geronimo dahil mas inuna pa ng Star Cinema na gawin ang movie nila ni Angel Locsin, matutuloy naman ang reunion movie ni Sarah kay Gerald Anderson.
Kumita rin naman at tinanggap ng manonood ang tambalan nila sa kabila ng threat na ibinigay ng mga Kimeralds. Ibig sabihin lang may chemistry sila, wala mang romansa na nagaganap sa kanila, gusto ng manonood ang pagtatambal nila.
And with Gerald for a leading man, walang tension na magaganap, makapagtatrabaho silang dalawa ng maayos ‘di gaya ng kapag si JLC ang makakapareha ni Sarah, anumang pag-iwas ang gawin nila, magkakaroon at magkakaroon ng mga uncomfortable moments dahil sa ilang kaganapan involving them in the past.
Wala nito sa pagitan nina Gerald at Sarah kaya okay lang si Sarah na hindi makatambal si JLC, maghihintay na lang sila ng tamang panahon na 100% nang limot nila ang mga naganap.
Marian sasagot kay Heart
Hindi naman pala kumpletong mananahimik na lang si Marian Rivera sa isyu nila ni Heart Evangelista. May sagot ang kampo niya sa mga pinagsasabi ni Heart sa kanyang ibinigay na presscon mamaya.
Kaya abangan!
May mga rebelasyon din sa SC tungkol kina Solenn Heussaff at Bela Padilla. Ano kaya ang mga bagong malalaman tungkol sa mga women on fire na ito?
- Latest