^

PSN Showbiz

Bernadette ayos na pagkatapos magka-Bell's Palsy

-

MANILA, Philippines - Mas nakasisiguro kung doble ang susuri sa inyong kalagayan, doble ang aalalay sa inyong pa­nga­ngailangan, at doble ang pangangalaga sa inyong kalusugan.

Kaya’t sasamahan kayo ni Bernadette Sembrano at ang bago niyang co-anchor na si Alvin Elchico sa bagong Salamat Dok simula ngayong Sabado (July 23) sa pagbibigay ng dobleng payo, dobleng asikaso, at dobleng serbisyo.

“Kami ang papatnubay at maglilingkod sa mga kailangan n’yong tulong medikal,” sabi ni Bernadette na masaya sa pagsasama nila ni Alvin sa programa.

Aniya’y magaling si Alvin sa pagpapaliwanag ng mga impormasyon na maiintindihan ng mga ordinaryong tao.

“Panibagong hamon ito para sa akin. Magtutulungan kami ni Bernadette na bigyan linaw ang iba’t ibang isyung medikal para maliwanagan ang ating mga kababayang nakikinig.”

Bagama’t ang Salamat Dok ang pinakaunang national TV show ni Alvin, gamay na niya ang mga isyu sa kalusugan bilang dating anchor ng progra­mang Magandang Gabi, Dok sa DZMM noong nakaraang dalawang taon. 

Naging bahagi siya ng dating programang Special Assignment at anchor ng TV Patrol Bacolod noong 1990s.

Kamakailan ay pinag-usapan ang kalagayan ni Bernadette sa internet. Inamin ng anchor ang ka­ram­daman niyang Bell’s palsy matapos mapansin ng mga manonood ang madalas na pagpikit ng kanyang kaliwang mata at hindi siya makangiti. Agad naman siyang kumonsulta sa kanyang doctor.

“Ang daming nag-text, nag-Tweet, at nag-email sa akin nang malaman nila ang kundisyon ko. Nakatutuwang malaman na marami’ng nag-aalala sa akin. Nalaman ko rin na maraming tao pala ang may ganito ring karamdaman,” sabi ni Bernadette na bumubuti na ang kundisyon ngayon.

Abangan din ang gagawin niyang episode para sa Krusada na may kinalaman sa kanyang kundis­yon.  

Tutukan ang bagong Salamat Dok tuwing Sabado, 5:50-6:50 a.m. at Linggo, 7:30-8:30 a.m. sa ABS-CBN.  

vuukle comment

ALVIN

ALVIN ELCHICO

BERNADETTE

BERNADETTE SEMBRANO

MAGANDANG GABI

PATROL BACOLOD

SABADO

SALAMAT DOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with