Chiro bagong quartet na kababaliwan ng kabataan
MANILA, Philippines - Tinanghal na kampeon ng Nokia Music Connection challenge, handang-handa na ang Chiro, isang four-piece band, na hamunin ang mundo ng digital recording sa ilalim ng Star Records at sub-label nitong Nugen.
Ang pagkakapanalo ng Chiro sa nasabing kumpetisyon kung saan nakalaban nito ang higit 200 participants ay ang itinuturing na claim to fame ng banda.Influenced ng acoustic at strong pop rock ang hatid na musika ng banda na mula pa sa Angeles, Pampanga.
“What we want is to be one of those acts respected for putting out intelligence music, not disposable songs with appeal that do not last long,” saad ni Toni Rose Reynes, ang babaeng vocalist na inihahalintulad sa bokalista ng Up Dharma Down na si Armi Millare.Ikinukumpara man siya sa ibang mga singer, kung papakinggang maigi, may natatanging boses si Toni na siya namang naghihiwalay sa kanya sa iba pang mga bokalista ng ibang banda. Marami na ring nai-record ang Chiro (binibigkas bilang ki-ro, isa ring Latin word na ang ibig sabihin ay “hands”) para sa kanilang debut collection na ire-release sa digital mainstream.
Isang original ang magsisilbing carrier single ng kanilang first album, ang Pahiwatig. Ang kumpletong tracklist ng kanilang self-titled digital album ay naglalaman ng limang awitin — Batang Bata Ka Pa, Iyak Na, Pahiwatig, Alaala, at Handog.“We started as a straightforward acoustic act six years ago,” ani Faelmar Ocampo ang gitarista ng grupo.
Samantala, agad na bumilib ang veteran composer at Metropop winner na si Jungee Marcelo sa banda kaya naman isang collaboration song ang nagawa nila, ang Alaala.Dahil inaasahang magkakaroon rin ng physical CD-release ang kanilang album, gumawa ang grupo ng kanilang sariling rendisyon ng OPM classics na Handog ng Florante at Batang-bata Ka Pa ng Apo Hiking Society.Nabuo ang banda noong college students pa sina Toni at Faelmar sa UST.
Kinukumpleto nina Ivan Louis Reynes (drummer) at Erick Gabriel (basist) ang promising quartet.Ngayong buwan na ito re-release ang prepaid digital album ng Chiro sa Astrovision, Odyssey, at SM Record bars. Para naman ma-redeem ang digital album, mag-log on lamang sa www.starmusic.ph. Para naman sa individual tracks, maaaring ma-download ito sa www.starrecords.ph.
- Latest