^

PSN Showbiz

Sisid umaatikabo ang mga eksena

-

MANILA, Philippines - Pagbabawalan ni Sig si Eden na makipagkita kay Ahmed, sasabihin na lumayo siya rito. Pero paano kapag sinabi ni Ahmed kay Eden na kasama nito si Alicia? Paano kapag sinuway ni Eden ang utos ni Sig at madiskubre ni Sig na sumama si Eden kay Ahmed?

Samantala, ‘di basta hahayaan nina Monique at Alona na malayo si Sig kay Monique kaya’t ga­gamitin nila ang kabaitan ni Eden para kumbinsihin si Sig na bumalik sa trabaho. Gumana naman kaya ang planong ito nina Alona at Monique?

Muling magtatalo sina Eden at Sig matapos sumama si Eden kay Ahmed. Pero ‘di papaawat si Ahmed. Papatunayan nito kay Eden na talagang nawawala si Alicia. Muling sasama si Eden kay Ahmed at ipapaalam niya ito kay Alona subalit gagamitin ni Alona ang impormasyong ito para siraan si Eden Sig.

Samantala, kikilos na si Monique sa pang-aakit nito kay Sig ngayong magkasama na sila ulit. Gumana kaya ito ngayong masama ang loob ni Sig kay Eden?

Ang alam ni Eden, naipaalam niya kay Sig na magkasama sila ni Ahmed subalit hinarang ni Monique ang impormasyong ito. Makikita ni Eden na magkasama sina Sig at Monique kung kaya’t ito ang isisipin niyang dahilan kaya siya di nasundo ni Sig.

Sa panig naman ni Sig, patuloy niyang ipaglalaban ang sarili na maakit kay Monique para na rin ‘di sila mag-away ni Eden subalit malalaman niya ang pagsuway ni Eden sa utos niya at pagsama kay Eden.

Dahil kapwa may dahilan para magalit, magtatalo sina Eden at Sig at ito ang maglalagay sa peligro ng mga buhay nila.

‘Yan at marami pang iba ang magaganap ngayong linggo sa Sisid na mapapanood tuwing hapon sa GMA 7 na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

AHMED

ALICIA

ALONA

EDEN

EDEN SIG

GUMANA

KAY

MONIQUE

SIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with