Nora tuloy na tuloy na sa Huwebes!
Rejoicing ang mga fans ni Nora Aunor dahil sa balita na babalik na siya sa Pilipinas sa darating na Huwebes.
Kung madaling-araw ang dating ni Nora, tiyak na PAL ang eroplano na sasakyan niya at sa Centennial Terminal 2 ang kanyang arrival.
Naka-alerto na ang mga TV crews sa pagdating ni Nora. Nag-request na sila ng pass para makapasok sila sa arrival area ng international airport.
Uuwi si Nora sa bansa para gawin ang pelikula na pagtatambalan nila ni Laguna Governor ER Ejercito. Naglalagare si ER dahil dalawang pelikula ang kanyang ginagawa, ang film bio ni General Emilio Aguinaldo at ang life story ni Asiong Salonga.
Amanda nag-aambisyong mag-artista
Sino kaya sa mga indie movie producers ang magkakaroon ng interes na gawing artista si Amanda Coling, ang girl na alleged rape victim ng apat na miyembro ng Philippine Azkals?
Malinaw na malinaw ang dialogue ni Amanda na type rin niya na maging artista. ’Yun nga lang, nakakapagod siyang panoorin dahil paikut-ikot at paliguy-ligoy ang kanyang mga sagot. Nagkataon ba ’yun o sinadya niya para mahaba-haba ang exposure niya sa TV?
Hindi ko hinuhusgahan si Amanda ha? Nagre-react lang ako, base sa kanyang mga sinabi like tinanggihan niya ang isang raket sa abroad dahil sa kagustuhan niya na makasali sa fashion show ng FHM Sexiest Victory Party. Hindi believable ang statement ni Amanda dahil ’di hamak na malaki ang datung na kikitain niya kung pinili niya ang raket sa ibang bansa.
Teka, saan ba ang raket niya? Sa Kuwait ba?
Balikbayang artista uso na
Ang pag-uwi ng mga artista na matagal nang based sa abroad ang trend ngayon sa showbiz.
Pinauwi ng TV5 sina Alice Dixson at Leandro Muñoz, sinundan ito ni Nora na unang napabalita na uuwi noong May 2011 pero hindi natuloy. Supposedly, ang TV5 din ang magpapabalik noon kay Nora.
Bago pa nagbalik-bayan sina Alice at Leandro, nauna nang bumalik sina Carol Banawa, April Boy Regino, at ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na pare-parehong hindi nagtagal ang paninirahan sa Amerika, matapos maaprubahan ang kanilang green card.
Shalala na-shock na may sariling ipon at sasakyan na!
Happy ako para kay Tolites “Shalala” Reyes dahil sa kanyang narating. Hindi na maabot si Shalala dahil isa lang naman siya sa mga hosts ng star-studded birthday party ni Papa Manny Pangilinan.
Para sa akin, big achievement ’yun para kay Shalala. Imagine, co-host siya ng birthday party ng may-ari ng TV5. That’s something ha?
Patuloy na sinusuwerte si Shalala dahil alam ng nasa Itaas na marami ang umaasa sa kanya. Si Shalala ang nagpapaaral sa kanyang pamangkin. Si Shalala na na-shock at hindi makapaniwala na nakabili siya ng sariling sasakyan at may savings na more than P300,000!
Kung hindi magbabago ang ugali ni Shalala, sure ako na lalong gaganda ang takbo ng kanyang buhay.
Huwag siyang gagaya sa ibang komedyante na yumabang at lumobo agad ang ulo dahil nag-feeling sikat.
- Latest