Bernadette Sembrano naparalisado ang mukha
Kamakailan ay marami ang nakapansin sa kakaibang hitsura ni Bernadette Sembrano habang ito ay nasa kanyang programang Salamat Dok. Inamin ni Bernadette na mayroon siyang dinaramdam noong panahong iyon.
“Dumadaan po tayo sa isang kondisyon na tinatawag na Bell’s Palsy kung saan temporary pong hindi makagalaw ang ating facial tissues,” pagtatapat ng news anchor.
July 3 nang unang maramdaman ni Bernadette ang mga sintomas ng Bell’s Palsy.
“Linggo ng umaga sa Salamat Dok meron tayong headset noon, parang sabi ko malakas yata ’yung earpiece ko kasi sumasakit ang tenga ko, ’di binalewala ko. During TV Patrol that night, sabi ko parang may mali sa mata ko. Itong kaliwa kong mata, twitch nang twitch, sabi ko baka pagod. Pinikit ko lang during commercial. The following day ganun pa rin parang pagod pa rin ’yung mata, ’tapos meron tayong meeting sa Salamat Dok, and then ang nakakagulat ang pinag-uusapan nating topic, of all topics Bell’s Palsy pa. So, nagbiro pa ako, o baka mamaya ako ’yung case study for Bell’s Palsy kasi nga ayaw pumikit ng isa kong mata. Mahapdi, iyak nang iyak ’tapos itong isa pikit nang pikit,” pagde-detalye ni Bernadette.
Agad namang nagpa-check up sa mga espeyalista ang brodkaster dahil sa kanyang mga naramdaman at doon nga nakumpirma na meron siyang Bell’s Palsy. Sa kaso ni Bernadette ay sa biglaang pagbabago ng klima ang naging sanhi nito. “Ang unang tanong sa akin ng doctor nang nalamang may Bell’s Palsy ako, meron ba akong pinuntahang mainit? ’Tapos meron ba ’yung biglaang napunta sa malamig? Ang naaalala ko nun galing ako sa Davao, that was Friday, mainit na mainit ’tapos aircon sa kotse, hinala ko doon nagsimula,” kuwento pa ni Bernadette. Nakaramdam siya ng takot at nawala ang kumpiyansa sa sarili noong nalaman ang kanyang tunay na kondisyon. Matapang na hinarap ni Bernadette ang sakit at sa tulong ng iba’t ibang therapy at ng mga taong nagmamahal sa kanya ay hindi na siya tuluyang naapektuhan ng karamdaman.
“Ang Bell’s Palsy naman gumagaling ng kusa. Ang paggaling naman merong linggo lang, may buwan, may taon. Everything is going to be okay kasi sa sakit na ito, marami kang realization na ang laki-laki ng mundo. Ang dami-daming problema ng ibang tao na ito lang ’yung pinagdadaanan ko.
“Buti nga ito lang, it could have been much worse ’di ba? Iniisip ko kung hindi bumalik ’yung ngiti ko, sulit na sulit ko naman ’yung ngiti ko sa dami na ng nginitian kong tao. Wala namang shortage of joy na naibahagi sa ibang tao. Ang sabi ko bahala na si God,” pagtatapos pa ni Bernadette.— Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest