^

PSN Showbiz

Modelong pumiyok na biktima ng Azkals, gustong mag-artista?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Konti na lang at lalantad na nang buo si Amanda, ang umaming modelo na ‘pinagsamantalahan’ ng apat na miyembro ng Azkals.

Sa true lang, pa-cute siya. At base sa mga sinabi niya sa mga interview, parang hindi naman siya affected. Ang haba ng interview niya sa Startalk kahapon. Meron din siya sa Entertainment Live. Nauna na siyang nagpa-interview sa TV Patrol.

So ibig sabihin, nililibot niya ang mga talk shows?

May isang girl na sinasabing kaibigan niya na nagtatanggol na kesyo raw ba panget, hindi na puwedeng ma-rape? Say pa niya, ang dami raw nag-volunteer na sana ay sila na lang ang ni-rape. Ganun na raw ba ang sistema sa atin? Resbak ng kaibigan ni Amanda sa mga manlalait.

Pero kung ayaw sana nilang pintasan, bakit panay ang pa-interview nila?

Ang girl na umaming inabuso, masama rin ang loob sa FHM dahil tinanggal daw siya. “Dahil ba hindi maimpluwensiya ang pamilya ko,” dialogue pa niya sa interview kahapon.

Sinasabing graduate ng University of the Philippines si Amanda.

Bukod sa katakut-takot na lait, ang conclusion ng marami, gustong mag-artista ni Amanda kaya panay ang paglilibot niya sa mga talk shows.

Bakit kailangan niya pa raw magpa-interview, dapat daw nag-demanda na lang agad siya kung alam niyang may nangyari.

Pacman bagong ninong ng bayan

Namudmod nga ng pera si Manny Pacquiao sa programa niyang Manny Many Prizes kagabi.

Barya lang ang limang libo. May P25K at may bahay at lupa pa raw–. Kaya naman lahat nang nano­nood dito sa opisina namin, naglalaway sa mga ipina­mimigay na datung. Lahat sila, gusto nang pumila.

Nagpapaalam na ang ilang kaopisina ko para raw makapila kahit isang buong araw at nang ma­ka­­kuha ng ticket. Madali raw pala ang pera sa prog­rama ng boxing champion.

Kaya lang mahina ang ginamit na mikropono ni Ninong Manny kaya parang nawawalan ng energy ang boxing champion. Yup, ninong ang tawag ng lahat kay Pacman sa programa so i-assume na natin na siya ang magiging ninong ng bayan sa kanyang programa.

Pero kung ganito ang programa, siguradong patataubin nito ang nakatapat nitong namimigay din ng datung.

Paramihan ng pera na talaga ang labanan ng mga programa.  

AMANDA

ENTERTAINMENT LIVE

KAYA

MANNY MANY PRIZES

NINONG MANNY

NIYA

PACMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with