Nanay ni Heart magde-demanda
Uy nagpa-plano raw magdemanda ang nanay ni Heart Evangelista sa mga nagsulat tungkol sa issue na sinita raw niya si Marian Rivera sa airport.
Nagsumbong pa raw ito sa mga bossing ng GMA 7 at nagpapasaklolo sa kanyang plano.
Pero hindi rin naman daw gaanong makagalaw ang mga bossing dahil si Marian ang kalaban nito na itinuturing na reyna ng network.
Dumating na ng bansa ang mag-syotang sina Heart at Daniel Matsunaga. Pero hindi agad sila nagparamdam as in hindi ipinaalam na nakabalik na sila mula sa kanilang bakasyon sa Brazil.
Kaya lang feeling ng mga taga-showbiz, mas lalong liliit ang mundo ni Heart oras na magsampa pa sila ng kaso laban sa mga ilang manunulat.
Ngayon nga raw, marami nang iniiwasan si Heart, paano na lang daw pag nag-demanda sila. Mababawasan na naman.
Modelong sinasabing ‘biktima’ ng Azkals pinipintas-pintasan
Maraming nakapanood sa interview ni Mario Dumaual for TV Patrol sa modelong sinasabing ni-rape ng apat na Azkals members na sina Simon Greatwich, Jason Sabio, Anton del Rosario, and Neil Etheridge.
Hindi ipinakita ang mukha ng babae. Legs at mga daliri at pahapyaw na likod.
Ang verdict ng mga nakapanood, hindi siya maganda. Maitim din daw ang tuhod at mukhang hindi na virgin.
Hinusgahan na agad. Hindi pa man nakikita ang hitsura ng mukha.
Ngayon kasi, lahat ng tao bilib sa Askalz kaya wala talagang naniniwala sa nasabing issue na nag-umpisa ang kuwento sa internet.
Kung sabagay. Hindi naman nila kailangang mamilit ng babae dahil sila ang nilalapitan.
Bukod sa nasabing modelo na kasama umano sanang rarampa sa FHM the other night, pinagsuspetsahan din na umano’y biktima ng apat na player si Michelle Madrigal na dati nang nail-link kay Neil Etheridge. Pero agad naman daw itong itinanggi ni Michelle dahil wala siyang kaalam-alam sa issue.
TV host kasal na sa aktor, gusto lang ilihim
Mula sa unreliable source (para maiba naman kasi parati na lang reliable), kasal na raw si female TV host sa karelasyon nitong aktor-TV host.
Say pa ng unreliable source, ayaw lang itong ibunyag ng female TV host pero ang karelasyon atat na raw ikuwento sa kanyang mga kaibigan ang nangyaring kasalan nila sa abroad. Pero talagang kontra raw ang female TV host kaya walang choice ang bagong mister kundi itikom ang bibig tungkol sa kanilang totoong relasyon.
Direk Jeffrey Jeturian balik_Cinemalaya
Isa si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films sa mga produ na buhay na buhay tuwing darating ang panahon ng Cinemalaya. At isa sa mga pelikula nila ngayong taon ang Bisperas na pinagbibidahan ni Tirso Cruz III.
Nagsimula ang Quantum Film na isang maliit na independent production outfit noong 2004. Kasama sa mga nagawa na nila ang Minsan Pa, Kubrador na hindi man gaanong kumita sa bansa ay pinuri-puri naman sa abroad at nanalo ng Lino Brocka Award for Best Film sa 8th Cinemanila International Film Festival at nakakuha ng premyo sa 28th Moscow International Film Festival. Nakasama rin ito sa 10 best films of the decade ng Urian.
Ang Quantum din ang nasa likod ng mga pelikulang Here Comes the Bride, Biyaheng Lupa, Magkakapatid at Sampaguita, National Flower.
Co-prod ni Atty. Joji sa Bisperas ang magaling na scriptwriter nasi Armando Lao. Comeback film ito ni Jeffrey Jeturian mula sa limang taong pamamahinga. Kubrador ang huling Obra niya.
Magkakaroon ng gala premiere ang Bisperas bukas, July 17, 3:00 p.m.. Finalist ito sa Director’s Showcase ng Cinemalaya na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines.
- Latest