^

PSN Showbiz

Panliligaw ni Diether kay Kris naudlot

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay nabanggit ni Kris Aquino sa kanyang morning show na Kris TV na may isang lalaki na naudlot ang panliligaw sa kanya dahil sa pagiging abala nito. Isa si Diether Ocampo sa mga naisip ng mga taong nakapaligid kay Kris.

“Sabihin na lang natin na mahirap mag-assume. Ayoko naman sayangin ’yung pagkakaibigan nang ganun-ganun, pinapahalagahan ko ’yun. Ganun siya ka-importante sa akin bilang kaibigan.

“At this point okay ’yung sitwasyon namin. Busy siya, busy ako. Mahirap kapag meron kang karelasyon na minsan nakukumpromiso ’yung trabaho,” paliwanag ni Diether.

Posible pa rin kaya na ituloy ng aktor ang panliligaw kay Kris? “Mahirap magsalita ng tapos, ’di ko naman mako-control ’yung nararamdaman ko. Utak ko mako-control ko, pero puso ko hindi, sa ngayon ayaw ko munang ramdamin,” pagtatapat pa ni Diet.

May mga bulung-bulungan din na isang mamahaling relo ang iniregalo ni Kris sa aktor para sa birthday nito.

“Ewan ko, may relo bang ipinadala? Wala akong natatanggap na ganoon,” paglilinaw ni Diether.

Hangad na rin naman ng aktor na magkaroon na rin ng love life. “Mahalaga kasi it gives you inspiration. At least meron kang focal point, there’s this person that really inspires me,” giit pa niya.

Jed nagpa-party para sa mga lolo at lola

Kamakailan ay isang kakaibang birthday celebration ang ginawa ng world singing champion na si Jed Madela. Nagpa-party si Jed kasama ng mga lolo at lola sa Golden Acres.

“Siyempre kapag nagbi-birthday palaging ako ’yung binibigyan, so this time siyempre with all the blessings that have been coming gusto ko namang i-share sa ating mga lolo at lola.

“Ang daming nagtatanong kung bakit hindi orphanage, ’di ba ang mga bata ang daming sumusuporta sa kanila? ’Yung mga lolo at lola they are in their twilight years. Kapag matatanda, ang napi-feel nila loneliness. In my own little way, kahit isang araw man lang, mai-share ko sa kanila ’yung attention at ’yung konting pag-e-enjoy naman para sa kanila,” emosyonal na pahayag ni Jed.

Maria la del  Barrio malapit na

Mamayang gabi ay isang kakaibang role ang gagampanan ni Erich Gonzales sa Maalaala Mo Kaya.

“Ako po si Grace. Dito po ako’y anak sa labas. I’m sure maraming makaka-relate. ’Yung character ko rito journey niya kung paano babaguhin ang judgment sa kanya ng tao. Paano aayusin ang pagkakamali ng magulang,” pahayag ni Erich.

Makakasama rin ni Erich sa nasabing episode si Albie Casino. Samantala, nalalapit na rin ang pagbabalik-teleserye ni Erich. “’Yung Maria La Del Barrio malapit na po. Tuluy-tuloy po ang taping namin,” balita ng young actress. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALBIE CASINO

DIETHER OCAMPO

ERICH

ERICH GONZALES

GOLDEN ACRES

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with