Kris bilib sa Boardwalk
MANILA, Philippines - Parang kailan lang nagsimula pero ngayon ay 20 years na pala sa direct selling ang Boardwalk at isa sa mga key players sa industriya ng Philippine fashion at Filipino lifestyle.
Dumarami na rin ang nagtitiwalang customers at naniniwalang celebrity endosers. Si Kris Aquino ang Boardwalk Business Ambassador — empowering at inspiring. Matatag din siyang dumaan sa mga pagsubok, tulad ng kumpanyang iniendorso. Ang Boardwalk ay matapang at walang takot sa tawag ng pagbabago na nagsimula sa simpleng lifestyle trend.
Ang iba pang artista na nasubukan na rin ang galing ng Boardwalk ay makikita sa mga pahina ng brochure. Sa mga babae, nangunguna sina Jean Garcia (para sa timeless collection), Cherry Pie Picache (BW Plus o para sa plus-size women), Assunta de Rossi (corporate chic collection), Rich Asuncion (BW Ladies Collection), Bangs Garcia (intimate apparel), Julia Montes (BW Fragrances), at Nikki Gil (BW Cosmopolitan).
Sa mga lalaki naman ay sina Ryan Agoncillo (hip and smart), Jake Cuenca (BW Timepiece and Eyepiece), Gabby Concepcion (elite group), Derek Ramsay (Ang Bayan collection), Matteo Guidicelli (BW Boys collection), at Coco Martin (BW Trion, healthy lifestyle).
- Latest