Venus lalaki ang birthday wish
Katatapos lang mag-celebrate ni Venus Raj ng kanyang kaarawan at ang isa niyang wish ay ang magkaroon na ng boyfriend.
“Hopefully sana nga. Excited ako, wala akong idea kung sinong ibibigay ni Lord na tao and karapat-dapat na lalaki. Kapag may nakikita ako, ‘Hmmm, sino kaya dito?’ Hindi mo alam, malay mo kakilala mo noon or stranger na darating sa ’yo pero ’di ko minamadali.
“As long as masaya ka na single ka, wala kang dapat ipag-alala. Mag-alala ka kung may boyfriend ka pero hindi ka masaya,” makahulugang pahayag ni Venus.
Kapatid ni Solenn ang daming isinakripisyo para kay Anne
Masaya si Solenn Heussaff sa relasyon nina Anne Curtis at ng kanyang nakababatang kapatid na si Erwann. Nakikita kasi ng model-actress ang kanyang brother na talagang masaya sa piling ni Anne.
“Actually, I’ve never seen my brother so in love. Super in love siya. ’Tapos dati he didn’t want to live in the Philippines, now he’s appreciating it. He’s really the best boyfriend I can see kasi he’s always there for her,” kuwento ni Solenn.
Ayon pa sa ate ni Erwann, mahirap maging karelasyon ang isang artista.
“Siyempre naman it’s hard to be with an artista kasi you don’t get to see them often so you have to do a lot of compromise. He’s very supportive of Anne’s career. Ako I love them together so sana maging sila later down the road pero bata pa silang dalawa, so don’t rush guys,” giit pa ni Solenn.
Robin napahanga sina Melai at Jason
Sa nakaraang premiere night ng The Adventures of Pureza: Queen of the Riles noong Martes ay sorpresang dumating si Robin Padilla para suportahan ang nasabing pelikula. Napahanga si Robin sa tambalan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil sa ipinamalas ng dalawa.
“Ang galing nila. Dapat nating suportahan ’yung mga bagong artista, para ’yung pelikulang Pilipino ay dumami pa. Mga Kapamilya, panoorin n’yo po ang pelikulang ito dahil siguradong kayo ay mapapangiti,” maikling pahayag ni Binoe.
Jason Abalos todo na ang pagpapa-sexy
Minsan nang nagpa-sexy si Jason Abalos sa kanyang teleserye sa pamamagitan ng pagta-topless. Ngayon ay nag-e-endorse na rin ng underwear ang binata.
Magtutuluy-tuloy na kaya si Jason sa paghuhubad? “Depende iyan sa hinihingi sa istorya kasi ako naman pagdating sa trabaho, wala naman akong hinihindian din. Naka-depende sa istoryang ibinibigay sa amin. Kapag trabaho talaga wala namang bawal eh,” pahayag ni Jason. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest