^

PSN Showbiz

Pelikula ni Maricel nire-revise lagi ang script

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marami ang nag-aalala kay Maricel Soriano at sa career nito sa bagong controversy na hinaharap na nadadagdagan sa hindi niya pagsipot sa hearing. Dapat may gagawing movie ang aktres at si Roderick Paulate sa APT Entertainment at sa Italy ang shooting.

Pero sabi ni Rocco Nacino na kasama sa cast, tuloy pa rin ang movie at revised lang ang script. Inaayos na rin ang permit sa shooting para tuluy-tuloy ang kanilang trabaho ’pag nasa Italy na sila.

Inamin ni Rocco na manghihinayang siya ng malaki ’pag hindi natuloy ang pelikula dahil first time niyang makakasama ng sabay sina Maricel at Roderick. Kaya kasama siya sa maraming nagdarasal na malampasan ni Maricel ang problema niya ngayon.

Samantala, labas na ang July issue ng Men’s Health magazine na sabi ni Rocco, nagulat siya nang sabihing iko-cover siya.

“Gusto kong tumalon sa tuwa dahil dream kong maging cover ng magasin. Kaya ginawa ko ang lahat para maging fit ako sa pictorial namin,” sabi nito.

Lalayasan si Mommy Vicki, Quark mag-aaral sa la ng dalawang taon

Wala pang reaction si Dr. Hayden Kho, Jr. sa interview ni Quark Henares kung bakit tutol siyang magpakasal ang inang si Dr. Vicki Belo sa kanya. Mukhang ang pagpapakasal ng dalawa ang isa sa mga rason kung bakit two years mag-i-stay sa Los Angeles, California, USA ang batang direktor at hindi lang dahil mag-aaral siya.

Anyway, babalik si Direk Quark sa premiere night ng pelikula niyang Rakenrol sa July 23 sa Cultural Center of the Philippines. Gusto niyang makasama ang cast ng movie na sina Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Jason Abalos, Ketchup Eusebio, Ramon Bautista, at Diether Ocampo. Sa Aug. 10, ang regular showing ng movie na five years ginawa.

Bago pa ang showing ng Rakenrol, na-screen na ito sa Italy (Udine Far East Film Festival), Los Angeles (Asia Pacific Film Festival), at San Francisco. Naimbita rin sa film festival sa Hawaii, Goteborg, San Diego, at New York. Sa LA nanalo ang movie ng Audience Choice Award.

Kris at Ben Chan nakapagbigay  ng 2 classrooms

Sumama pala si Ben Chan kay Kris Aquino nang i-turn over ng TV host-actress ang two classrooms para sa AGAPP Silid Pangarap program sa Barangay Linao sa Ormoc. Sabi ni Kris, para sa mga constituents ni Cong. Lucy Torres-Gomez ang dalawang silid-aralan.

Nag-distribute rin siya ng Mongol school packs at Safeguard packs sa 200 Grade 1 and 2 pupils at malaki ang pasasalamat niya kay Mr. Chan sa tulong para matupad ang ipinangakong babalik sa Ormoc.

Mula Tacloban, nag-land trip si Kris papuntang Ormoc at habang naroon, nag-stay siya sa Sabin Resort at bumisita sa prawn farm at pineapple plantation. Matamis ang pinya sa Ormoc, subukan n’yo.

Daiana, ‘Fiancé’ na ang tawag kay Direk Gb

Engaged na yata sina Daiana Menezes at Direk GB Sampedro dahil “my fiancé” na ang tawag ng dalaga sa nobyo. Na-post din nito sa Twitter na pupunta sila sa Brazil para makilala ng fiancé ang parents niya. Pamanhikan na ba ito?

Sa nabasa namang tweet ni Direk GB, parang depensa kay Daiana at patungkol kay Erika Padilla na kasama ni Daiana sa Iskul Bukol ang message niyang, “Nakakalungkot na may mga tao from the industry na ’di yata naturuan ng word na respect.”

Nabalitaan naming nainis at nag-walkout si Daiana sa mall show ng cast ng Iskul Bukol sa SM Baliuag last Sunday. Nagsasalita si Daiana nang sabihan ni Erika na maingay ito, ayun lumayas si Daiana, pero nagkaayos naman ang dalawa sa huli.

ALWYN UYTINGCO

ASIA PACIFIC FILM FESTIVAL

AUDIENCE CHOICE AWARD

BARANGAY LINAO

BEN CHAN

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DAIANA

ISKUL BUKOL

LOS ANGELES

ORMOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with