^

PSN Showbiz

Regine naadik sa Wagyu

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., napakasarap maging turista sa sarili mong bayan.  Napakarami kasing magagandang lugar ang Pilipinas na dapat pasyalan hindi lamang ng mga banyaga kundi lalo na ng mga kababayan natin. Ang isang tourist destination ay ang Tacloban City na matatagpuan sa unang distrito ng Leyte at ang kanilang Patron Saint ay ang Sr. Sto. Niño. Ipinagdiriwang nila ang kapistahan tuwing ika-30 ng Hunyo.

Hindi kami taga-Tacloban, but we always consider the place as our second home dahil dito kami lumalapag kapag kami ay umuuwi patungong Borongan City (Eastern Samar) bukod pa siyempre na marami kaming kamag-anak at mga kaibigan na nakatira rito.

 For five consecutive years ay dumadalo kami sa taunang kapistahan ng Tacloban sa imbitasyon ng mag-asawang Mayor Alfred at First Lady at City Councilor Cristina “Kring-Kring” Gonzales na siya ring chairperson ng committee on tourism kaya siya ang punong-abala sa tuwing sumasapit ang ganitong okasyon. 

Bukod kasi sa warm accommodation and reception ng mag-asawang Romualdez at ng kanilang mga officers and staff ganundin ang mga Taclobanons in general, kabisadung-kabisado na namin ang lugar.  Tricycle lamang ang aming katapat at nakakarating na kami sa gusto naming puntahan lalo na sa downtown area kung saan kami namimili ng mga kakanin, ang kilalang binagol at moron, ganundin ang mga native bags, placemats, pamaypay, banig, at iba pa na identified na gawa sa nasabing probinsiya.

At dito nga sa katatapos na kapistahan, grupo kaming nagpunta. Namasyal. Pero tinapos namin nang maaga para maiwasan ang traffic sanhi ng taunang Sangyaw Festival Parade na ginaganap tuwing hapon ng bisperas ng fiesta. Tumuloy kami sa Cristina’s Salon & Spa na matatagpuan sa Romualdez Avenue, downtown area ng siyudad. Pansamantalang isinara sa publiko ang Cristina’s Salon & Spa na pag-aari ng mag-asawang Mayor Alfred at Kring-Kring dahil doon tumuloy ang mga bisita ng mag-asawa in time for the Sangyaw parade.

Dalawang makeshift stage ang ipinatayo ng mag-asawa sa harapan ng salon para sa magandang view ng parade na taun-taon dinarayo hindi lamang ng mga Taclobanons kundi maging ng mga turista galing sa iba’t ibang lugar ng Visayas at Minda­nao. Nang magsimula ang parade na umabot ng ilang oras, hindi mahulugang-karayom ang kapal ng tao sa mga lugar na dinaanan ng parade. 

Twenty-two contigents na nagmula sa iba’t ibang lugar ng Leyte at Samar ang naglaban-laban sa tatlong magkakahiwalay na kategorya – barangay-based category, school and community-based category, at open category kung saan kalahok ang entry ng Eastern Samar State University ng Borongan City, Eastern Samar, ang hometown namin ni Boy Abunda. Ito ay ang Padulong (pahatid) Festival.

Napaka-festive ng mood ng buong paligid at hindi alintana ang init at haba ng parada na ang finale ay ang karosang kinalulanan ng mga Kapuso stars sa pangunguna ng Captain Barbell star na si Richard Gutierrez kasama sina TJ Trinidad, Michelle Madrigal, Ervic Vijandre, at ang child star na si Jillian Ward. 

Kinabukasan ng umaga ng June 30, we took the first flight out pabalik ng Maynila. Sandaling nagulo ang Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban nang magkakasunod na magdatingan doon sina Richard, TJ, Michelle, Ervic, Jillian, Cesar Montano, at Ogie Alcasid.

Sa airport, sandali naming nakakuwentuhan sina Ogie, Richard, at TJ. Ayon kay Ogie, excited na siya sa paglabas ng first baby nila ng wife niyang si Regine Velasquez na nakatakdang magsilang sa buwan ng Nobyembre. 

Naikuwento rin sa amin ni Ogie na nung early stage ng pagbubuntis ni Regine ay nagkahilig ito ng husto sa Wagyu sirloin beef ng Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City at madalas umano silang magpa-deliver nito sa kanilang bahay sa Ayala Heights sa Quezon City.  Pinaghahandaan ngayon ni Ogie ang kanyang birthday concert na gaganapin sa Resorts World Hotel sa Aug. 23 na pinamagatang Ogie’s Big Bash. August 27 ang actual birthday ni Ogie. 

           

AYALA HEIGHTS

BIG BASH

BONIFACIO GLOBAL CITY

BORONGAN CITY

CRISTINA

EASTERN SAMAR

OGIE

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with