^

PSN Showbiz

Cesar malungkot para kay Maricel

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Mas natuwa pala si Cesar Montano na inilipat na ito sa araw ng Linggo na dating ipinalalabas tuwing Sabado ng gabi.

‘‘Okay sa aking maging Sunday ang Andres de Saya dahil kumpleto ang pamilya. Kapag Sabado kasi ay lumalabas ang pamilya gaya namin. Eh pag Linggo sama-sama na kami dahil kinabukasan may pasok na ang mga bata,’’ rason ng aktor.

Tinanong din namin ang reaksiyon niya tungkol sa problema ngayon ni Maricel Soriano na matagal niyang nakatrabaho sa ABS-CBN.

‘‘Siyempre nalulungkot ako dahil naging wife ko siya sa Kaya ni Mister, Kaya ni Misis sa Channel 2. Sana maging maayos na ito at ipagdasal na lang natin siya,’’ sabi ni Buboy.

Iza ayaw pag-usapan ang pag-aasawa

Paboritong ipadala ng GMA 7 si Iza Calzado sa iba’t ibang panig ng bansa at sa ganitong paraan ay nahahasa siya sa pagho-host at pagkanta.

Pangarap nitong ma-develop pa ang galing as TV host at bilang performer. Saludo siya kay Cesar bilang mister sa Andres de Saya dahil nababaitan siya sa aktor at magaan daw katrabaho.

Nang may magtanong kung handa na ba siyang mag-asawa ay biglang buwelta ito na naka-focus muna siya sa career.

ANDRES

BUBOY

CESAR MONTANO

IZA

IZA CALZADO

KAPAG SABADO

KAYA

LINGGO

MARICEL SORIANO

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with