^

PSN Showbiz

Aktres ang bilis nagka-ere nang maging bida

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Seryoso na si Alfred Vargas sa kanyang pagiging producer ng Alternative Vision Cinema.

Co-producer ang Alternative Vision Cinema sa pelikulang Busong ni direk Auraeus Solito na entry sa Director’s Showcase ng Ci­nemalaya Film Festival.

May dalawa pa raw siyang pelikulang nasa post-production na at may binabalak daw sila ni Direk Auraeus na isa pang malaking pelikulang maa­ring pagbibidahan din niya.

Bida rin si Alfred sa Teoriya ni direk Zurich Chan na isa pang entry sa New Breed Category ng Ci­nemalaya.

Bukod sa pagiging abala niya sa Quezon City Hall bilang konsehal, ibinubuhos ni Alfred ang iba niyang panahon sa promo ng dalawang pelikulang nabanggit.

Gusto raw niyang magpaka-busy para hindi siya gaanong malulungkot sa nalalapit na pag-alis ng mag-ina niya patungong Italy.

Aalis na raw sa susunod na linggo ang asawa niyang si Yasmine dala ang anak nilang si Alexandra Milan dahil napagkasunduan na nilang doon sa Italy manganganak ang kanyang misis kapag baby girl ang ipinagbubuntis nito.

PAK : Ang bilis daw nagkaere itong si magandang aktres magmula nang naging bida ito sa isang drama series.

Palibhasa, matagal din siyang nagtiyaga sa mga supporting role, kaya nang nabigyan ito ng break na magbida, naging mapili na raw ito sa pagtanggap ng projects o kahit guestings.

Minsan ay pinakiusapan daw itong sumali sa production number ng isang musical-variety show, umokey naman daw agad. Pero gusto raw niyang malaman kung sino ang mga kasama.

Nang nalaman niyang hindi mga lead actress ang makasasama niya, tumanggi na raw ito.

BOOM : Nakarating na sa mga miyembro ng Philippine Volcanoes na tinanggal ang malaking billboard nila kung saan may litrato nilang naka-Bench underwear.

Nasa Australia at New Zealand ang karamihan sa mga miyembro ng naturang Philippine Rugby Team at sa susunod na buwan pa ang balik nila para mag-practice.

Wala naman daw silang magawa kahit tinanggal ang kanilang billboard. Nagpapasalamat na lang daw sila sa mga supporters nila at sa Bench na kumuha sa kanila para maging endorser ng Bench Body.

Si Andrew Wolff na miyembro din ng Philippine Volcanoes ay na-disappoint sa pagtanggal ng naturang billboard.

Bahagi ng mensahe nitong ipinadala sa amin : “Philippine Volcanoes are endorsing Bench and promoting a team na lumalaban para sa bansa. Hindi lang billboard promoting ourselves to politicial popularity.”

Si Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela ang unang nakapansin nito at ipinarating kay Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong.

Nang tiningnan daw ito ni Mayor Abalos, na-shock din siya kaya ipinarating niya ito sa Adboard at napagdesisyunan ng advertising agency na tanggalin na lang ang malaking billboard na iyun malapit sa may Guadalupe, Makati.

ALEXANDRA MILAN

ALFRED VARGAS

ANDREW WOLFF

AURAEUS SOLITO

BENCH BODY

BENHUR ABALOS

CI

DAW

PHILIPPINE VOLCANOES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with