Matapos umamin na buntis tiyan ni Andi lumobo na!
Seen : Ang denial ng mag-asawang Angela Montenegro at Congressman Mikey Arroyo na hiwalay na sila. May isang aktres na naapektuhan sa denial ng mag-asawa.
Scene : Nabuhay ang Machete acting issue kay Aljur Abrenica dahil sa acting niya sa Temptation Island. Hindi gaanong naramdaman ang presence ni Aljur sa pelikula.
Seen : Ang Team Azkals magazine para sa mga tagahanga ng Azkals. Ang magkapatid na James at Phil Younghusband ang cover ng maiden issue ng unofficial magazine ng Team Azkals.
Scene : Walang reaksiyon si Ben Chan, may-ari ng Bench sa pagbaklas sa sexy Bench billboards ng Philippine Volcanoes Rugby Team. Sanay na ang Bench sa mga intriga at kontrobersiya.
Scene : Ang mga trying-hard at social climber sa Best Dressed Ball ng Preview magazine sa 7th High, Taguig City noong Biyernes nang gabi.
Seen : Stand out at stunning si Iza Calzado sa Best Dressed Ball ng Preview at nakaw-eksena si Andi Eigenmann na agad na umalis upang makaiwas sa mga reporter na gustong mag-interbyu sa kanya. Halata na ang lumolobo na tiyan ni Andi.
Scene : Ang pag-amin ni Rocco Nacino na dating sila ni Sheena Halili at namasyal sila sa Manila Ocean Park.
- Latest