^

PSN Showbiz

TV5 superstar ang turing kay Nadine Samonte

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi kaya ma-insecure ang ibang talents ng TV5 sa very special treatment ng network kay Nadine Samonte? Unang project pa lang ng aktres, ang The Sisters, title role na agad at siya ang pinakabida, wala siyang ka-share at ang kaparehang si Leandro Muñoz ay pinauwi pa from the States para bago sa paningin ng mga viewers.

Kinuha rin ng network si Alyanna Martinez para maging stylist niya at siya lang yata ang binigyan ng stylist at na-enroll pa sa isang modeling agency for personality development, kaya iba na ang looks ni Nadine ngayon.

Heto pa, kundi mababago ang plano, sa Manila Peninsula ang presscon ng The Sisters next week. Bongga ’di ba? Ang mga nakaraang presscon ng shows ng TV5 sa mga restaurants lang ginawa pero ang soap ni Nadine sa Manila Penl!

Binigyan din si Nadine nang magagaling na co-stars sa The Sisters gaya nina Eddie Garcia, Lotlot de Leon, Wendell Ramos, at Rio Locsin. Narito rin sina James Blanco, Victor Silayan, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, at iba pa. Si Joyce Bernal ang director nito at papalit sa Babaeng Hampaslupa.

Bela gustong gawin ang Magdalena

Sina Claire dela Fuente at ang GMA Artist Center ang nagma-manage ng career ni Bela Padilla at wala siyang maireklamo dahil hindi pa siya nawawalan ng project. Kasama siya sa Sisid as the ex-GF of Dominic Roco at mukha namang enjoy sa pagiging bad girl.

Sa eksenang napanood namin, sinampal siya ni Jackie Rice at totoong sampal ang dumapo sa pisngi niya ng dalawang beses. Hindi naman siya takot magkontrabida at siya ang humingi ng ganung role para may bagong mapanood sa kanya.

“Gusto ko ring sumabay sa trend ngayon sa GMA Network na pinagpapalit ang role ng mga talents nila. Ang bida ay ginagawang kontrabida at ang kontrabida ay ginagawang bida, type ko ’yun. Dito sa Sisid, sobrang bad ako, manipulative at sure ako na magagalit sa akin ang mga viewers,” paniniyak ni Bela.

May pagka-sexy din ang Monique character ni Bela dahil ang laging suot, kundi shorts ay mini-skirts at may kissing scene pa sila ni Dominic. Naloka ito sa tanong ng press kung ano ang lasa ng lips ng aktor. Say niya, may shower ang scene kaya tubig ang nalasahan niya.

“Given the chance, gusto ko ng project na slight sexy at drama. Magdalena ang naisip kong title. Dream ko ring makatrabaho si Iza Calzado dahil siya ang ina-idolize ko sa GMA,” sabi ni Bela.

Claudine at Mark Anthony movie hindi na uli sigurado

Makakapagsimula na si Direk Gil Tejada ng ta­ping ng Iglot dahil may nakita ng batang babae na gaganap na anak ni Claudine Barretto sa soap. Hindi pa namin nakuha ang name ng bagets pero sa Monday na ang workshop nila ni Claudine para nga naman makilala nila ang isa’t isa bago ang taping.

At hindi lang si Claudine ang excited na mag-taping, pati si Luis Alandy na gaganap na husband ng aktres.

Samantala, nag-taping na rin si Claudine ng Ma­nananggal episode ng Spooky Nights na sa July 16 ang airing. Kasama niya rito sina Ka­trina Halili, Joshua Dionisio, John Feir, at Barbie Forteza sa direction ni Uro dela Cruz. Tuwang-tuwa si Claudine sa role niyang mana­nanggal with matching pangil dahil never pang nagawa ito.

Ibinalita na rin ni Claudine nang amin siyang makausap na sa August, gagawa siya ng movie sa Viva Films to be directed by Wenn Deramas. Hindi lang siya sure kung si Mark Anthony Fernandez ang makakapareha niya rito.

Kita ni Baby James deretso sa bangko

Nakikipagsabayan si Baby James sa inang si Kris Aquino sa pagiging in demand na endorser. Na-tweet ng TV host-actress na magiging endorser ang anak niya ng Bench Tweener at kasama nito ang mga anak din ng artista.

Sa bangko deretso ang talent fee ni Baby James sa kanyang mga product endorsement. 

vuukle comment

ALYANNA MARTINEZ

ARTIST CENTER

BABAENG HAMPASLUPA

BABY JAMES

BARBIE FORTEZA

BELA PADILLA

BENCH TWEENER

CLAUDINE

NADINE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with