Angel halos 'di makahinga nang panoorin si Phil
Nahuling sweet na sweet sina Angel Locsin at Phil Younghusband sa victory party ng Philippine Azkals kamakailan.
“Wala naman kaming itinatago. Okay naman and kapag masaya ka, ganun talaga. He makes me happy. Sa ngayon ganun muna,” tanging reaksiyon ni Angel.
May mga nagsasabing si Angel ang naging lucky charm ni Phil kaya nanalo ang kanilang team noong Linggo laban sa Sri Lanka. “Inspired siguro dahil gusto rin niyang manalo talaga. Gusto nilang ire-present talaga ang Pilipinas sa ibang bansa, na okay ang football sa Pilipinas. Hindi ko alam kung dahil sa akin. Wala ’yun,” paliwanag ni Angel.
Sa susunod na laro ng Azkals laban sa Kuwait ay inaabangan na ng lahat kung muli bang personal na susuporta si Angel.
“Hindi ko alam, nate-tense ako eh. Mahirap kaya manood ng live. Parang ’di ka makahinga. Ewan, tingnan natin, pero nandito lang ako, susuporta ako sa kanya,” pagtatapat pa ng dalaga.
Cristine may malaking plano sa birthday ni Rayver
Magsisimula na sa Lunes ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya, ang Reputasyon. Pagbibidahan ito ng magkasintahang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Masaya ang dalawa dahil mas madalas silang magkasama ngayon dahil sa kanilang proyekto.
“Masaya, ’di ka nabo-bore. Nandiyan ang inspirasyon mo, nasa tabi mo, masaya,” nakangiting pahayag ni Cristine.
“Sabi nila baka magkasawaan kayo, akin hindi nga eh. Mas nag-e-enjoy ako, looking forward ka na pumunta sa set agad kasi alam mo makikita mo siya. Buti nga nakasama ako sa Reputasyon kundi, ’di talaga kami magkikita,” pahayag naman ni Rayver.
Pinaplano na ni Cristine ngayon kung paano gagawing kakaiba ang birthday celebration ni Rayver sa July 20.
“Actually, balak ko siyang i-surprise, basta huwag n’yong sasabihin sa kanya. ’Yung tipong uuwi siya ng bahay na nandun ’yung mga kaibigan niya. Last year friends pa lang kami noon sinorpresa ko na siya kasi mabait siyang kaibigan eh,” pabirong kuwento pa ng dalaga.
Arron nailang sa halikan nila ni Kristel
Kamakailan ay isang surprise birthday party ang ibinigay kay Arron Villaflor ng kanyang Good Vibes family sa kanilang set. Masayang-masaya ang binata sa ginawa ng mga kasamahan.
“Nag-enjoy ako, mahal nila ako. Mahal ko kayo Good Vibes family. I love you,” bungad ni Arron.
Samantala, naiilang pala ang young actor sa tuwing may kissing scenes sila ni Kristel Moreno sa kanilang serye.
“Siyempre sa una nakakakaba, pero siyempre kailangan mong gawin eh. Dapat one take lang ’yung ini-aim ko lagi. Okay naman si Kristel kasi friend ko na siya before. Kampante na kaming dalawa,” giit pa ni Arron. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest