Juday at Ryan hindi takot kina Aiai at Vic Sotto
Excited na ngayon ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa pelikulang gagawin nila para sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.
Si Direk Joey Reyes din ang makakasama nila sa proyekto na siya ring gumawa ng mga naunang pelikula ng dalawa na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.
Malapit nang magsimula ang shooting para sa bagong pelikula. “End of August or early September kapag maganda na ‘yung panahon,” pahayag ni Ryan.
“Sisiguraduhin ni Direk Joey na magkaibang-magkaiba since siya rin ‘yung maker ng KKK at SSS. I’m sure he’ll make sure na hindi magiging pareho ‘yung istorya,” pahayag naman ni Juday.
Handa na kaya ang mag-asawa na makalaban ang pelikulang pagsasamahan nina AiAi delas Alas at Vic Sotto? “They’re always the headliners of the festival. Kami lang ang expectations namin are humble, basta maganda ‘yung produkto, ‘yung kalalabasan ng istorya,” pagtatapos ni Ryan.
Puso ni Yeng maraming nagpapatibok
Hanggang ngayon ay wala pa rin daw boyfriend si Yeng Constantino pero mayroong mga nagpapatibok sa kanyang puso. “Maraming nagpapatibok ng puso ko katulad ng Yengsters, family ko, ang corny ng sagot ko. ‘Yung pagbo-boyfriend darating ‘yan sa tamang panahon marami lang priorities ngayon,” pahayag ni Yeng.
Marami rin ang nagtatanong sa singer kung boyfriend ba niya ang kasamahan sa Music Uplate Live na si Tutti. “Hindi, kapag off cam talagang kuya ang tawag ko sa kanya. Kapag on cam, tawag ko sa kanya Tutti, parang magka-age kami, matanda na ‘yun,” pabirong sagot pa ni Yeng.
Samantala, pinaplano at inaayos na raw ni Yeng at ng kanyang management ang isang concert na gagawin para sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
Kanta ni Jed ginamit sa isang teleserye sa Malaysia
Namamayagpag talaga ang career ng world singing champion na si Jed Madela. Kauuwi pa lamang ng singer galing Malaysia dahil kamakailan ay nag-launch siya ng album doon. “Sa album na ‘yun, nagkaroon ako ng isang duet with Malaysian idol finalist na si Nikki Palikat at duet na ‘yun ginamit sa isang teleserye sa Malaysia,” maikling kuwento ni Jed. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest