Sandata ng male celeb na sikat na sikat nakunan na nakalambitin sa gym!
PIK : Nakatakdang umalis si Iwa Moto patungong Japan para ayusin ang kanyang citizenship.
Mukhang unti-unti na itong nakapag-move on sa break-up nila ni Mickey Ablan, lalo na’t nakakarating sa kanya na tila sila na nga ni Janna Dominguez.
Gusto na lang ni Iwa na mag-focus sa kanyang sarili.
Naisipan nitong ayusin na ang kanyang citizenship dahil nakakuha na ang kapatid niya.
Nasa Japan pa ngayon ang kapatid ni Iwa kaya gusto niyang dalawin ito at tuloy ay ayusin na ang mga papeles para sa kanyang citizenship sa naturang bansa.
PAK : Ewan ko lang kung kakalat ang isa pang video na ikinasindak namin dahil sikat na sikat ang male celebrity na involved.
Mukhang walang kamalay-malay si male celeb na kinukunan siya ng video ng isang nakasabay niya sa locker room sa gym.
Nagsusuot ito ng underwear niyang itim kaya tinanggal nito ang nakatapis na tuwalya. Kuhang-kuha ang sandata nitong nakalambitin.
In fairness, may ipagmamalaki naman si male celeb, at hindi naman kahiya-hiya. Kaya tiyak na lalong dadami ang mga bading na maglalaway sa kanya.
Pagkatapos ipakita sa akin ng isang kaibigan ang video na iyun, kaagad na binura nito para wala nang kopya at hindi na kumalat.
Mahirap na nga naman dahil merong Anti-Boso Law. Ewan ko lang kung may ibang may hawak ng video ng male celeb na sikat na sikat pa naman ngayon.
BOOM : Ang bestfriend ni Nora Aunor na si Suzette Ranillo ang nagkumpirmang malapit nang umuwi sa Pilipinas ang Superstar.
Ayon kay Suzette, gustung-gusto na raw ni Nora na umuwi rito pero tinitiyak lang daw nitong may trabaho siyang madadatnan.
Pero pina-finalize na lang daw ang offer sa kanya ng TV5 kaya hindi pa masabi ni Suzette kung kailan na talaga ang eksaktong petsa nang pag-uwi nito sa Pilipinas.
Tuluy-tuloy pa rin daw ang communication niya kay Nora na abala naman daw sa mga personal appearances at imbitasyon ng mga kababayan natin sa Amerika.
Si Suzette naman ay pinagkaabalahan ngayon ang isang indie film na kasali sa Cinemalaya Film Festival.
Siya ang isa sa mga co-producer ng pelikulang Amok na dinirek ni Lawrence Fajardo at kasali sa New Breed Category.
Itong Amok ang isa sa tatlong entry sa Cinemalaya na suportado ni Atty. Joji Alonzo.
- Latest