Phil nagpa-impress kay Angel!
MANILA, Philippines - Hindi lang sa kalabang Sri Lankan football players naka-score si Phil Younghusband sa laban kahapon, July 3, ng Philippine Azkals sa Rizal Stadium, naka-score rin siya sa puso ni Angel Locsin!
Malakas ang hiyawaan ng mga tagahanga ng Pinoy football team at ng dalawang celebrity sa pagkakapanalo ng Azkals sa score na 4-0 (tingnan ang kaugnay na istorya sa page 16).
Kitang-kita ng lahat na nagpa-impress si Phil sa aktres na nanonood ng laban sa mismong venue katabi ang kaibigang aktres na si Bubbles Paraiso. Siyempre, impressed din si Angel sa performance ng atleta na naka-goal ng dalawang beses.
Sabi nga ni Angel nang ma-interview sa TV, “I’m happy for him.”
Napapatayo, napapasigaw, at todo rin ang palakpak ng aktres kapag ang Azkals team na ang sumisipa ng bola. At sobrang saya nung si Phil na ang naka-puntos.
Kung sabagay, hindi lang ang aktres ang na-impress sa laro ni Phil at ng buong Azkals, bilib na bilib din ang sambayanang Pilipino. Impressive talaga!
- Latest