^

PSN Showbiz

Dahil kay Mariel Bianca napipilitang magdamit ng maganda

- Veronica R. Samio -

Tatlong gabi ko nang napapanood si Mariel Rodriguez na co-host sa SNN ni Bianca Gonzales. Nasa abroad kasi si Boy Abunda at pinakiusapan nito ang alagang si Mariel na mag-take over in his absence.

Mabuti pala na nasa SNN si Mariel. Napipilitan si Bianca na sabayan ang pagdadamit ni Mrs. Robin Padilla. Well dressed ito at palaging naka-pormal. Kailangang magdamit din ng husto ni Bianca kung ayaw niyang makabog siya ng kanyang kaibigan na limited lamang naman ang stint sa SNN. Pagbabalik ni Boy ay tapos na rin ang trabaho nito sa show.

With Boy around, puwede kahit ano ang isuot ni Bianca. Hindi sila mapagkukumpara. Casual ang isinusuot ni Boy at si Bianca naman ay mas madalas naka-pant suit lamang, bagay ang mga damit nila, nagko-compliment. But with Mariel, Bianca has to exert more effort, kailangang tapatan niya ang friend niya na palaging naka-formal dress. Maaalangan naman kung naka-casual lang si Bianca, kaya she dresses to kill, too, na beneficial sa show dahil ang ganda-ganda nilang tingnan na dalawa.

Empress ayaw kay Enchong Dee

Ano ba naman itong si Enchong Dee at mukhang gustong magka-image ng chickboy? Hindi pa man nalalaunan na ma-link sila ni Julia Montes, eto na naman siya at kay Empress Schuck naman napapabalitang nakikipag-date. Ke dalawa lamang sila na lumabas o kabilang lang sila sa grupo, the important thing is that lumalabas sila. Whether mag-end ito sa mas malalim pang friendship o kaya ay romance, ay hindi naman masasabi.

Sa ngayon, sinasabi ni Empress na walang ligawang nagaganap sa kanila ni Enchong. “We’re just friends,” ang mariin niyang sabi.

Samantala, may mga nagsasabi na meron na ring lumalalim na relasyon na namumuo sa kabila ng kapareha niya sa Guns and Roses na si Ejay Falcon?

“Kailangan naming maging close for our roles, so, kapag nakita n’yo kami na magkasama sa labas, huwag n’yong lagyan ng kulay, we’re just bonding at nakikita naman ang resulta nito when we portray our roles. We’re comfortable, marami ang nagsasabi that we have chemistry. Do you think maa-accomplish namin ito kung hindi kami nagba-bonding?” tanong ng dalaga na ayaw pa talagang mag-boyfriend.

“Enjoy ko pa ang single blessedness ko. Bukod sa nakaka-concentrate ako sa work ko, wala pa akong nararanasang problema na pinagdadaanan ng mga kaibigan ko na may mga boyfriend na.”

Melissa binalikan si Matt

 Again, ipamamalas nina Matt Evans at Melissa Ricks ang chemistry nila bilang isang love team na nung una ay pinaniwalaan ng marami would turn into something more than friendship. And the fans were disappointed na sa halip na mangyari ito ay nag-drift ang dalawa ng papalayo sa isa’t isa professionally and personally. Lalong nawalan ng pag-asa ang mga fans nila when Melissa got into a relationship with Jake Cuenca na nauwi rin naman sa hiwalayan.

Mamayang gabi, magtatambal muli ang dalawa sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya. Gagampanan nila ang roles ng isang mag-asawa na ang babae ay nagsisisi nang hindi ma-meet ng kanyang pinasok na relasyon ang expectation niya sa buhay. Ang kanyang asawa naman ay kuntento na sa buhay na tinatamasa nila. Kahit mahirap sila ay masaya naman, pero sa simula lamang.

Nagbago ang lahat nang mag­karoon ng reyalisasyon si mi­sis na marami pa siyang gusto sa buhay na inaasahan niyang maibibigay sa kanya ng asawa. Pero paano? Pa­no­orin ang buong kuwento ngayong gabi sa maituturing na pinaka-mahabang drama anthology sa bansa at most awarded din.

Host si Charo Santos-Concio.

Personal…

Pasasalamat kay Konsehal Jimmy Borres sa muli nitong pagpapagamit ng kanyang resort sa mga taga-Brgy. Amihan sa taunan nitong outing sa pamumuno ni dating Kgd. Bebot Rodriguez.

Salamat din kay QC Mayor Herbert Bautista, pati kina Manny at Conrad na nagbigay ng tulong sa ikapagtatagumpay ng nasabing outing

BEBOT RODRIGUEZ

BIANCA

BIANCA GONZALES

BOY ABUNDA

CHARO SANTOS-CONCIO

EJAY FALCON

EMPRESS SCHUCK

ENCHONG DEE

MARIEL

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with