^

PSN Showbiz

KC iniwan si Sam sa Amerika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kababalik pa lamang ni KC Concepcion sa bansa mula Amerika para sa international screenings ng pelikula nila ni Sam Milby na Forever and a Day. Sobrang tuwa ng dalaga dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila.

“Maraming nagpunta, so, nakakatuwa kasi marami rin pala talagang Pinoy sa Amerika. Nagpapasalamat kami siyempre sa producer naming si Ate Rits and nang dahil sa kanya at sa tiwala niya sa amin at sa pelikula, nadala namin sa New York ang Forever and a Day,” pahayag ni KC.

Na-touch ang aktres dahil sa isang kababayan natin ang sobrang naka-relate sa kuwento ng kanyang karakter sa nasabing pelikula.

“There was a lady in the audience, pareho ’yung pinagdaanan kay Raffy. Same story, same sakit na tumama sa kanya, andun siya sa audience. Nagtatanong ako, ’yung sa trailer, kaya mo bang mahalin ang isang taong mawawala rin sa iyo? Siya ’yung natanong ko, ang sagot niya, ‘Alam ko na kaya akong mahalin kahit ganito ang situwasyon ko.’

So, talagang nakakagulat na talagang may mga taong naka-relate at na-appreciate ’yung pelikula,” kuwento pa ni KC.

Ayon sa aktres ay nagpaiwan pa si Sam sa Amerika para mas matagal pang makasama ang pamilyang nakabase roon.

“Binisita niya ’yung daddy niya sa Ohio dahil nagkasakit ’yung dad niya. Naospital and I think he said it sa Twitter niya. He’s there na with his family,” tanging nasabi ni KC.

Gary V. apektado sa pagkamatay ni Jo Ramos

Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Jo Ramos noong Lunes. Namatay si Jo dahil sa sakit na lung cancer. Isa si Gary Valenciano sa mga pinaka-malapit na kaibigan ng anak ni former President Fidel V. Ramos. Matagal kasi niyang naging back-up singer si Jo noon sa mga shows nito.

“It’s quite a loss I think for the industry especially for the people who knew her quite well. Wala pa ako sa industriya noon, nakikita ko na siyang sumasayaw. Nakikita ko na siyang tumutugtog. Noong napapanood ko sila sa Music Museum, na-impress talaga ako and they became my band. That’s why it’s always Gary Valenciano with the Maneuvers and the Powerplay band.

“To be honest, when I found out na namatay siya, only I found out a few days before that na nasa ospital siya. So I didn’t know anything at all. Ang alam ko nga, she was supposed to still work on an album. At least now, she’s in peace and I’m hoping lang that it didn’t bring her pain,” madamdaming pahayag ni Gary.    

Reports from JAMES C. CANTOS

AMERIKA

ATE RITS

GARY V

GARY VALENCIANO

JO RAMOS

MANEUVERS AND THE POWERPLAY

MUSIC MUSEUM

NAOSPITAL AND I

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with