Matapos tumanggi sa maraming trabaho, young actress may utang pa sa kanyang network
MANILA, Philippines - Tamad talagang magtrabaho ang young actress na ito kaya naman kada project na ibinibigay sa kanya ng mother network, madalas niya itong tanggihan. Eh, guaranteed pa naman ang kontrata niya sa kanyang network pero mas madalas ang tanggi niya sa project kesa tanggapin ang trabaho, huh!
Minsan nga raw, pumayag ang young actress na tumanggap ng isang trabaho. Pero nung taping day na, bigla itong nagpaalam sa staff na pupunta lang daw sa iskul niya. Pero hindi na bumalik ang young actress.
Eh mai-expire na ang guaranteed contract ng young actress sa network.
Pinatanong niya sa kanyang manager kung may pera pa siyang makukuha sa network. Laking gulat ng manager nang sabihin sa kanya ng finance department na kung susumahin, may utang pa raw ang young actress sa network dahil sa madalas nitong pagtanggi sa trabaho.
Sa network kasing ‘yon, sa guaranteed contracts nila sa artist, ibibigay ang perang gustong hingin ng artist. Pero kapag tumanggi ang artist sa trabahong ibinato sa kanila ng network, TV show man ito o shows abroad o out of town, binabawas pala roon ang talent fee na dapat nilang tanggapin sa project!
Ganyan ang nangyari kay young actress. May guaranteed contract pero mas lamang ang pagtanggi kesa sa pagtanggap dahil sa katamaran nitong magtrabaho!
Kaya ang young actress, NGANGA, as in NGANGA ang drama dahil sa kawalan ng datung!
Nozomi takoT ma-compare kay Charice
Nataranta ang baguhang young singer na si Nozomi Morikawa sa rami ng TV coverage na dumagsa sa launching ng kanyang debut album na Before I Reach Sixteen.
“But it feels great! I’m very happy and excited now kung kelan ito ilalabas!” pahayag ni Nozomi.
Ang father niyang Japanese at Pinay na mother ang nag-encourage sa kanyang gumawa ng album.
“Because I sing every day! Ha! Ha! Ha! And that’s what I love to do. That’s why gusto kong gawin ito!” sey ni Nozomi.
Si Charcie Pempengco ang hinahangaan ng Fil-Japs Teen Popstar.
“She’s nice! Ha! Ha! Ha! Dito po ako lumaki but because of my school, we speak English!” rason niya kung bakit siya pa-English-english.
Hindi ba siya napagkakamalang si Charice dahil may similarities ang features nila?
“Really? Wow! Ha! Ha! Ha!” reaksiyon ni Nozomi.
Hindi ba siya natatakot na ma-compare siya kay Charice? “Well, I’m really scared right now! But I am willing to take the risk! Ha! Ha! Ha! Kahit mahirap, okey din!” diin ng Fil-Japs popstar.
Anim lahat ang cuts sa album ni Nozomi na likha ni Vehnee Saturno. Sa anim, dalawa ang Tagalog at kinaya ni Nozomi na bigyang-buhay ang mga kantang ito.
Aktres kakaiba ang kinababaliwang bisyo, nag-iiba rin ang anyo sa likod ng kamera
Kakaiba ang kinalolokohang bisyo ngayon ng isang kilalang aktres! Hindi kapani-paniwala pero totoo, ayon sa mga taong malalapit sa kanya.
Dumating nga raw sa point ng buhay ng aktres na ang bisyo niyang ito ang mas pinahahalagahan niya kesa sa mga taong malalapit sa buhay niya.
Pero kapag nakikita ang aktres, wala sa hitsura niya ‘yung kakaibang bisyo ay merong epekto sa panlabas niyang anyo. Kasi, maganda pa rin ang aktres at fresh pero kapag nasa likod na ng kamera, nag-iiba raw ang anyo nito, huh!
- Latest