^

PSN Showbiz

Carmina hinamon ng pagalingan sa pagluluto si Zoren

-

MANILA, Philippines - Sa loob ng mahigit dalawang buwan, maraming nahimok ang Amazing Cooking Kids ng GMA 7 na subukan ang pagluluto - bata man o matanda. Maging ang host na si Carmina Villarroel ay nahamon din dahil sa galing ng contestants sa reality cooking competition.

Kung dati ay iniisip ni Carmina na hindi para sa kanya ang pagluluto, nagbago ang kanyang pananaw kakapanood sa mga bata at kakatikim sa kanilang nagagawang dishes. Nga­yon ay kumukuha na siya ng cooking lessons sa Magsaysay Institute of Hospitality and Culinary Arts (MIHCA).

Nagbibiro pa si Carmina na kapag nakumpleto na niya ang training ay sila naman ng partner na si Zoren Legazpi ang magkakaroon ng cook-off sa kanilang kusina.

Ngayong linggo sa Amazing Cooking Kids, mas matindi ang lutuan ng natitirang contestants na sina Angela Clarke, Budik Villalobos, Duday Reyes at Ronin Leviste dahil hu­ling tanggalan na bago ang finals.

Matapos ang isang ‘mincing challenge,’ ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, mula sa isang pamilya ng restaurateurs, ang magbibigay ng main challenge : ang pag-recreate ng isang dish ni Chef Judge GB Barlao.

Mapabilib kaya ng kids ang tatlong chef judges? Sino kaya ang maiiyak sa ‘mincing challenge?’ Sino sa apat ang pinakamagaling sa paggawa ng dish ni Chef GB?

Painit nang painit sa kiddie kitchen habang nalalapit ang finals ng Amazing Cooking Kids!

Ang Amazing Cooking Kids ay napapanood tuwing Sabado, 11:15 a.m., bago ang Eat Bulaga.

vuukle comment

AMAZING COOKING KIDS

ANG AMAZING COOKING KIDS

ANGELA CLARKE

BUDIK VILLALOBOS

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

CHEF JUDGE

DUDAY REYES

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with