^

PSN Showbiz

Aktres na hindi lantad ang kamalditahan paliit nang paliit ang mundo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nanganganib na mawalan ng mga movie project ang isang pasaway na aktres dahil walang may gusto na makatrabaho siya.

Sagana sa attitude problem ang aktres kaya tumanggi ang isang aktor na makasama siya sa pelikula. Ilalagay sana ang aktres sa another project pero tinanggihan naman siya ng kanyang magiging co-star. May problema ang aktres sa ina ng co-star kaya posibleng maligwak siya sa malaking project.

Paliit nang paliit ang mundo ng aktres at resulta ito ng kanyang hindi masyadong lantad na kamalditahan na buking ng mga kapwa niya artista.

Kapatid ni Bong kasal na sa bossing ng TV5 International

Congrats kina Bacoor Mayor Strike Revilla at Chaye Cabal, ang Finance Officer ng PLDT dahil ikinasal na pala sila sa Hong Kong.

Si Strike ang nakababatang kapatid ni Senator Bong Revilla, Jr. at huli kaming nagkita sa reception ng renewal of vows nina Bong at Lani Mercado.

Wala akong kamalay-malay noon na kasal na pala sila ni Chaye na buong ningning na ipinakita sa akin ang kanilang engagement ring.

Ang balita ko, ninong sa HK wedding nina Strike at Chaye si Papa Manny Pangilinan, ang big boss ng PLDT at TV5.

May connect si Chaye sa showbiz dahil bukod sa pagiging hipag ni Bong, siya rin ang in-charge sa TV5 International na magkakaroon ng big launch sa Amerika sa October 2011.

Nadine biglang naging sosyal, dual role agad ang sasabakan

Si Nadine Samonte ang bida sa The Sisters, ang bagong drama series ng TV5. Sosyal si Nadine dahil dual roles ang kanyang gagampanan sa The Sisters na comeback TV project ni Leandro Muñoz , ang dating contract star ng ABS-CBN na matagal nang nag-migrate sa Amerika.

Matapos pauwiin si Alice Dixson para sa Babaeng Hampaslupa, si Leandro naman ang pinauwi ng TV5 para gawin niya ang The Sisters.

Successful ang pagpapauwi ng Kapatid network kay Alice at hoping ang kampo ni Leandro na maging tagumpay ang pagbabalik-showbiz ng aktor.

Sinubukan din ng TV5 na pauwiin si Nora Aunor pero walang nangyari dahil choice ng superstar na manatili muna sa California.

Aktor nang-iintriga

May aktor na nang-intriga sa akin nang pumunta ako sa studio ng Wil Time Bigtime noong Lunes.

May-I-ask daw ng aktor kung bakit pumupunta ako sa show ni Willie Revillame? So what kung dalawin ko si Willie at si Shalani Soledad na matagal ko nang hindi nakikita? Walang puwedeng magdikta sa akin ng mga lugar na dapat at hindi ko dapat puntahan ‘no!

Dingdong ipinagsisigawan ang suporta kay Marian

Ipinakita sa showbiz news segment ng Aksyon ang pag-iyak ni Marian Rivera sa presscon ng Temptation Island.

Hindi ako nakapunta sa presscon ng Temptation Island kaya hindi ko na-witness ang pag-iyak ni Marian pero nang mapanood ko sa TV ang eksena, na-feel ko ang kanyang pain.

Ipinakita rin ang reaksyon ni Dingdong Dantes tungkol sa Marian-Heart Evangelista issue. Type ko ang pagkampi ni Dingdong sa kanyang girlfriend as in ipinahayag niya sa buong mundo ang full support kay Marian.

I’m sure, kinilig na naman ang fans ni Marian sa statement ni Dingdong.

Andi biglang nanahimik sa Twitter

Nagtataka ang fans ni Andi Eigenmann dahil hindi na ito active sa Twitter. Nami-miss na raw nila ang mga update ni Andi sa activities nito sa showbiz.

Worried ang fans ni Andi dahil tahimik ito sa bagong isyu na kinasasangkutan niya.

Waiting sila sa reaksiyon ni Andi sa medyo sensitive na isyu.

vuukle comment

AMERIKA

ANDI

ANDI EIGENMANN

BABAENG HAMPASLUPA

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

CHAYE CABAL

DAHIL

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with