^

PSN Showbiz

Kahit sweet pa rin kay Sam YG, Daiana kasama na sa bahay si direk GB?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pagkabasa pa lang namin sa mga pangalan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista na da­lawa sa cast ng entry ng Regal Entertainment, Inc. at Studio 5 sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Yesterday, Today, and Tomorrow, may feeling na kaming hindi ’yun matutuloy dahil sa nangyari kina Heart at Marian Rivera.

Parehong si Popoy Caritativo ang manager nina Dennis at Marian at parang hindi magandang tingnan na habang may isyu kina Marian at Heart, makikipagtambal naman si Dennis kay Heart.

Noong una naming tanungin si Popoy tungkol sa Dennis-Heart team, hindi pa niya alam ang balak ng Regal na itambal ang aktor kay Heart pero nagpasubali na itong baka hindi ’yun matuloy dahil pangit tingnan.

The other day, nabanggit nitong na-pull out na niya si Dennis sa project, na-explain niya sa aktor ang situwasyon at naintindihan siya nito. Naintindihan din siya ni Roselle Monteverde-Teo, kaya maghahanap na lang ang Regal nang ipapalit kay Dennis. Ang nakalimutan naming itanong kay Popoy ay kung tatanggapin niya ang movie ’pag hindi si Heart ang makakapareha ni Dennis.

May pelikula rin naman si Dennis, tinatapos nito ang My Neighbor’s Wife ng Regal pa rin na tungkol sa infidelity at kung saan mapapanood ang husay niya sa acting. Sina Lovi Poe, Carla Abellana, at Jake Cuenca ang kasama niya sa pelikula.

* * *

Natuloy ang taping ni Aubrey Miles sa Amaya last Saturday dahil gumanda ang panahon. Sa Pagsanjan, Laguna kinunan ang kanyang mga eksena na kuwento ni Direk Mac Alejandre, makapal ang putik noong nag-uulan.

Sabi ni Aubrey, guest role lang ang gagampanan niya at three days siyang magti-taping. Ang description nito sa kanyang role ay “not good, not bad, but interesting role.”

Papasok din si Tanya Garcia, pero hindi namin alam kung sino sa kanila ni Aubrey ang gaganap sa role nina Magwayen at Pandaki na mga bagong karakter.

   Nakuwento pala ni direk na parang isang buong barangay ang location nila sa Pagsanjan dahil 40 houses ang itinayo ng production. Dahil nag-uulan, kailangan nilang maghabol sa taping dahil good for one week lang ang advanced episode nila.

* * *

Maganda pa rin ang relasyon ng mag-ex na sina Daiana Menezes at Sam YG kahit break na sila. They follow each other sa Twitter at nagbibiruan. Dahil friends pa rin, hindi naging problema kay Sam ang pagpasok ni Daiana sa Iskul Bukol.

Magkasama sila sa mall show ng sitcom last Friday sa SM Bicutan at sabi ng aming source, naglalandian sa stage ang dalawa at gustung-gusto ng mga tao. Siguro naman, hindi pagseselosan ng BF ni Daiana na si Direk GB Sampedro na magkasama ang dalawa sa Iskul Bukol dahil nagtatrabaho lang ang dyowa niya.

Super sweet kahit sa Twitter sina Daiana at Direk GB at may nabasa kaming habang naghuhugas siya ng plato, nagtapon naman ng basura si Direk GB. Inisip tuloy namin na live-in set up sila.

* * *

Mabuti’t pinayagan ng ABS-CBN at Star Magic si Tom Rodriguez na mag-promote ng Temptation Island sa GMA 7. Maggi-guest siya sa Unang Hirit sa Friday at sa sobrang tuwa ng mga taga-GMA Films, na-tweet nila ang guesting ng aktor.

Sa July 6, ang showing ng movie at malay natin payagan din si Tom na lumabas sa ibang show ng GMA 7 dahil co-producer ng Regal sa movie ang GMA Films.

Thankful pa naman si Tom sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso stars na kasama niya sa movie dahil siya lang ang ABS-CBN talent sa movie. Tiniyak pala ni John Lapus na panalo ang eksena ng aktor na naka-red briefs.

AUBREY

AUBREY MILES

CARLA ABELLANA

DAHIL

DAIANA

DENNIS

DIREK

ISKUL BUKOL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with