^

PSN Showbiz

Solenn at Mikael nabuking, pumupuslit habang nasa shooting

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ratsada sa pagpo-promote ng Temptation Island  ang cast dahil July 6 na ang opening nito. Isang malaki at magarbong premiere night naman ang iniha­handa ng Regal Films at GMA Films sa July 3, sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Second movie pa lang ni Solenn Heussaff ang Temptation Island at tuwang-tuwang mapasama sa cast dahil noong wala pa siya sa showbiz, paulit-ulit nilang pinanood ng mga sosyalera niyang mga kaibigan ang pelikula. Memoryado nga nito ang mga nakakatuwang dialogue ng mga karakter ng original movie.

Naging close sina Solenn at Mikael Daez sa shooting at binuking nito na sa shooting sa Ilocos Norte, kahit pinagbawalan, pumupuslit sila para mag-drive sa sand dunes.

Hindi lang ang showing ng Temptation Island ang aabangan ng fans ni Solenn sa kanya sa July. Next month na rin ang release ng 10-track at self-titled album niya sa MCA Records.

Leandro Muñoz tuloy ang pagbabalik showbiz

Hindi nagbibiro ang source namin sa balitang isa sa mga makakapareha ni Nadine Samonte sa The Sisters ang US based former actor na si Leandro Muñoz. Kahapon daw ang dating ni Leandro para sa storycon ng teleserye bukas at first taping day sa June 27. Talagang pinauwi siya ng TV5 para mag-comeback sa teleserye. Magkano kaya ang talent fee nito para pumayag bumalik sa showbiz?

Kasama rin sa cast ng The Sisters sina Dina Bon­nevie, Lotlot de Leon, James Blanco, Victor Silayan, at Rio Locsin. Si Joyce Bernal ang director ng teleserye na kasing-laki raw ng Babaeng Hampaslupa.

Iwe-welcome sa TV5 si Nadine sa Paparazzi  sa Sunday at maggi-guest pa siya sa ibang shows ng istasyon bago umere ang The Sisters. Nabalitaan din naming si Alynna Martinez, anak nina Albert at Liezl Martinez ang kinuha ng TV5 na stylist ni Nadine at tutulong para i-repackage ang aktres.

Jake basted kay Bianca

Ang bilis namang tumibok ang puso ni Jake Cuenca kung totoong si Kim Chiu na ang nililigawan nito after Bianca Manalo. Parang kailan lang nang pormahan nito si Bianca, pero hindi raw nito in-entertain ang panliligaw ng actor dahil best friend niya ang ex nitong si Melissa Ricks at ayaw niyang maging isyu sa kanila si Jake.

Sabi ng mga kakampi ni Rachelle Ann Go, hindi ang friendship nila ni Melissa ang rason kung bakit niligwak ni Bianca si Jake. Si John Prats daw ang real reason, pero itinanggi na ni Bianca na may something sila ni John dahil ayaw niyang maging third party sa break-up ng dalawa.

Baby Lucho endorser na

Inilabas na ang TVC ng Johnson & Johnson soap endorsement ng Agon­cillo family kasama si baby Lucho. Hindi pa masyadong ipinakita ang mukha ni Lucho at ang malinaw lang ay ang mukha nina Judy Ann Santos, Ryan, at Yohan, tiyak na may ibang versions ang TVC na nakaharap na si Lucho.

Samantala, wala pang schedule ng shooting ang My Househusband, ang entry ng OctoArts Films sa 2011 Metro Manila Film Festival dahil magpapapayat pa raw ng konti si Judy Ann.

vuukle comment

ALYNNA MARTINEZ

BABAENG HAMPASLUPA

BABY LUCHO

BIANCA

LEANDRO MU

LEFT

LUCHO

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with