Maja binabakuran na ni Matteo
Marami ang nakapansin na hanggang sa backstage ng PMPC Star Awards for Movies ay isang nakakakilig na tanawin ang pareha nina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Parang nangangamba ang champion car racer na anytime kung magpapabaya siya ay magkaroon na naman ng chance na magkausap at maging close na naman ang ‘girlfriend’ niya at ang kapareha nito sa Minsan Lang Kita Iibigin na si Coco Martin, na incidentally emerged winner bilang Best Actor para sa kanyang role sa indie film na Noy sa nasabing awards night.
Maja joined her co-Kapamilya artists Erich Gonzales, Enchong Dee, Gab Valenciano sa kanilang dance number kasama si Pauleen Luna na hindi naman nagpatalo sa kanila dahil itinayo nito ang bandera ng kanyang kinaanibang network kahit nag-iisa siyang Kapuso sa grupo sa kanyang husay din sa pagsasayaw. Matteo, on the other hand, joined EJ Falcon and Matt Evans sa pagkanta ng mga favorite songs ni Christopher de Leon na siyang Ulirang Artista awardee. Marami rin ang nagsabi, magkaboses sila ni Boyet.
Marami sa pumunta sa Resorts World kung saan ginanap ang Star Awards for Movies were disappointed sa hindi pagdating ng napakagaling na bida ng 100 Days to Heaven na si Xyriel Manabat. Nag-tie sila ni Timothy Chan ng pelikulang Here Comes The Bride para sa Best Child Star Award para sa kanyang role sa Ang Tanging Ina Mo Last Na ‘To.
Isang napakagandang babae naman ang umagaw ng pansin ng marami sa mga naghihintay sa lobby ng teatro ng Resorts World. Hindi pamilyar ang mukha niya pero napakaganda niya at maganda niyang nadala ang kanyang sarili. Nang kumukuha na ng tiket ang mga kasama niya, at saka lamang siya nakilala ng mga taga-PMPC. Siya pala si Ria Garcia, isa pala siya sa mga nominado sa Best New Female Star para sa pelikulang Ishmael, isa pang indie film. Ang award for this category ay napagwagian ni Carla Abellana.
Halos hinakot ng pelikulang Sigwa ang award para sa digital categories (movie, director, supporting actor, cinematography, editor, production design,) pero sa main stream movie, nanalo ang Tanging Ina for direction, best actress, best supporting actress, at best child star.
Favorite winner si Tirso Cruz III for his role as a corrupt politician in Sigwa. Pinakamasaya naman ang acceptance speech ni Eugene Domingo, best supporting actress for Tanging Ina Last Na ‘To.
Sa special awards, ‘nalo sina Xian Lim at Toni Gonzaga Faces of the Night; Richard Gomez at Toni Gonzaga ulit, Stars of the Night; Vina Morales, Skin & Body Care. Darling of the Press naman si Laguna Governor, ER Ejercito.
Ang Star Awards for Movies ay production ng Airtime Marketing na pinamumunuan ni Tess Celestino-Howard, sa direksiyon ni Al Quinn.
- Latest