Aiai at Coco panalo sa Star Awards for Movies
Seen : Sina AiAi delas Alas at Coco Martin ang big winners sa 27th Star Awards for Movies na ginanap noong Martes sa Resorts World, Pasay City. Nanalo si AiAi para sa Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To at si Coco para sa Noy.
Scene : Mga artista ng ABS-CBN ang karamihan sa mga nagwagi sa Star Awards for Movies. Ipalalabas sa Linggo ang Star Awards for Movies sa Kapamilya network.
Seen : Si Martin del Rosario ang New Movie Actor of the Year, ang kategorya sa Star Awards for Movies na itinuturing na may sumpa dahil hindi nagiging matagumpay ang showbiz career ng mga pinagkakalooban ng nasabing award.
Scene : Nagsimula kahapon ang pagtatanghal ng Cirque Du Soleil sa harap ng Quirino Grandstand. P2,300 ang cheapest ticket price at P10, 500 ang pinakamahal. Magtatanghal sa Pilipinas ang Cirque Du Soleil hanggang July 10.
Seen : Si Senator Chiz Escudero ang guest sa pilot episode ng morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Nagamit ang isyu na nagli-link sa kanila ni Kris.
Scene : Hindi nagsasalita sina Marian Rivera at Heart Evangelista tungkol sa kanilang away pero nagkukuwento ang mga tao na saksi sa buong pangyayari.
Seen : Mas matangkad pa kay Paco Arespacochaga si Heaven, ang nag-iisang anak nila ni Geneva Cruz.
Scene : Enjoying the best of both worlds si Tom Rodriguez dahil libre siya na lumabas sa mga programa ng TV5, ABS-CBN at GMA 7.
- Latest