Jennylyn mas may lalim kay Rufa Mae
Seen
: Ang papuri ni
Donita Rose
na umaangat na ang pelikulang Pilipino dahil sa natural acting nina
KC Concepcion
at
Sam Milby
sa
Forever and a Day
. Ang acting na lang ni Donita ang hindi natural at umaangat.
Scene : Hindi maitatanggi na anak ni Rey Abellana si Carla Abellana. Namana ni Carla ang patula na pagsasalita ni Rey.
Seen : I’d Rather Leave While I’m In Love ang kinanta ni Rachelle Ann Go para sa ex-boyfriend na si John Pratts. Mali ang kinanta ni Rachelle dahil siya ang iniwanan ni John. Hindi siya ang nang-iwan.
Scene : Ano ang difference ng mga starlet sa mga star? Mahaba ang sagot ng mga starlet sa mga tanong sa kanila. Isang tanong, mahaba ang sagot. Starlet ang category nina Janna Dominguez, Steff Prescott, Say Alonzo, Bianca Manalo etc.
Seen : Mas malalim at may sense na TV co-host si Jennylyn Mercado kesa kay Rufa Mae Quinto. Nasasayang ang exposure na ibinigay kay Rufa Mae dahil wala siyang improvement bilang host.
Scene : Magdaragdag ng mga bagong karakter sa Amaya. Hanggang November ang target airing ng primetime show ni Marian Rivera sa GMA 7.
Seen : Agaw-pansin ang neck brace ni Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo nang dumalo siya sa renewal of vows nina Senator Miriam Santiago at Atty. Narciso Santiago sa Manila Cathedral. Ninang si CGMA sa renewal of vows ng mag-asawa na nagdiwang ng 40th wedding anniversary.
Scene : Nag-alay ng kanta si ex-President Joseph Estrada at former First Lady Imelda Marcos sa reception ng maulan na renewal of vows nina Senator Miriam Santiago at Atty. Narciso Santiago sa Manila Hotel noong Linggo.
- Latest