^

PSN Showbiz

Jhong Hilario hiwalay na sa asawang British

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sobrang nag-enjoy si Jhong Hilario sa guesting niya sa Gandang Gabi, Vice noong Linggo. Masaya talagang panoorin si Jhong na nakikipagbatuhan ng mga linya kay Vice Ganda dahil iba ang chemistry ng dalawa.

Pero may nabalitaan kaming malungkot na kuwento na hiwalay na pala si Jhong sa kanyang asawang foreigner. Ano kaya ang tunay na nangyari sa kanila?

“Okay naman kami ng ex-wife ko. Yes, nagkahiwalay na kami ng British wife ko. I think it’s the culture talaga and ’yung long distance relationship namin sobrang hirap. Magkaibang mundo talaga kami. Five years na kaming kasal and seven years na kaming together. Mahirap pero siguro hanggang dun na lang talaga pero okay naman kami. Friends kami, nagtatawagan kami, magkausap kami,” seryosong pahayag ni Jhong.

Gab Valenciano umamin na tungkol sa kanila ni Isabel Oli

May bulung-bulungan na nagde-date na ngayon sina Gab Valenciano at Isabel Oli. Nakikita kasi ang dalawa na madalas magkasama sa iba’t ibang lugar.

“We’re getting to know each other, of course we all know that she’s very beautiful, but as of now, I’m really, really getting to know her. She’s an awesome person. I guess you could say that we do go out and I guess that’s pretty much it,” pagtatapat ng anak ni Mr. Pure Energy.

Robin bubuksan na uli ang naipasarang paaralan

Noong isang taon ay matatandaang ipinasara ang paaralan ng Liwanag ng Kapa­yapaan Foundation sa Fairview na pag-aari ni Robin Padilla. May kailangan ka­sing ayusing permits at ilang legal matters nito dati. Ikinasama ito ng loob ng aktor pero ipinaglaban pa rin ito ni Robin hanggang sa muling mabuksan ang nasabing paaralan. Ngayon ay nakatakda nang magbukas ang klase roon.

“Natapos na ’yung kaso, praise God. Itong June na ’to, last week of June o unang linggo ng Hulyo (magbubukas). Non-formal muna sapagkat kailangan muna naming ayusin ang mga permit namin sa DepEd,” bungad ni Robin.

Samantala, may posibilidad pa rin na pumunta sa Vatican City ang aktor upang ipaglaban ang plano nila ni Mariel Rodriguez na pagpapakasal sa simbahang Katoliko.

“Wala namang makakapigil doon, si Mariel ’yun na lang ang kanyang puwedeng asahan. Gusto niya talaga ng blessing ng Iglesia Katolika,” giit pa ni Binoe.

Ngayon ay abala pa rin si Robin sa kanilang teleserye ni Bea Alonzo na Guns and Roses.

Masayang-masaya rin siya sa magagandang feedback na kanyang natatanggap tungkol sa nasabing serye.     — Reports from JAMES C. CANTOS

BEA ALONZO

GAB VALENCIANO

GANDANG GABI

GUNS AND ROSES

IGLESIA KATOLIKA

ISABEL OLI

ITONG JUNE

JHONG

JHONG HILARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with