^

PSN Showbiz

Mga bossing ng GMA disappointed sa Amaya?

- Veronica R. Samio -

Nasagap ko lamang ang balitang ito sa umpukan ng mga nagkukuwentuhang entertainment writers.  Usapan ang hindi magandang pagtanggap ng maraming manonood sa napakamahal at pinagandang serye ng itinuturing nilang primetime queen si Ma­rian Rivera. Hindi raw sulit ang gastos, dapat mas mataas pa raw na viewership ang inaasahan ng mga bossing ng network dahil ang katapat naman nilang programa ay hindi kasing mahal ng Amaya. Hindi nila sukat akalain na magkakaroon pala ng chemistry ang pinakawalan nilang action star na si Robin Padilla sa bago nitong kaparehang si Bea Alonzo. Pero sa malas nagkamali sila dahil ang pagpapareha ng dalawa ay nag-anak pa ng intriga na pinagpistahan ng marami at nagbigay ng mileage sa serye nilang Guns and Roses. Pero sa kabila ng pagsasabi ng dalawa na walang romansang namamagitan sa kanila na dapat ipag-alala ng mga ka-partners nilang sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo, patuloy pa rin silang tinatangkilik ng manonood.

Gusto kong isipin na mas tinatanggap ng mga manonood hindi lamang ang katapatan ng dalawa kundi ang effort nilang makapagbigay ng isang magandang panoorin ng hindi masasaktan ang kanilang mga minamahal.

May ganitong effort din naman ang mga taga-GMA 7 at maging si Marian, baka lang nagkataon na wala siyang chemistry sa kanyang dalawang leading man.

Dapat din sigurong pakialaman na ng GMA 7 ang awayan nina Marian at Heart Evangelista. Nakakaapekto ito sa Amaya, tanggapin man nila o hindi. At siguradong makakaapekto ito sa pelikula nila sa Regal na Temptation Island.

Armida walang stand in sa Aawitan Kita US Tour

Nakatutuwang malaman mula sa kuwento ng isang matagal ng kaibigan na si Richard Reynoso na naging matagumpay ang katatapos nilang Aawitan Kita US Tour, isang 30-day 12-city shows na pinamumunuan ng 81 taong gulang na si Armida Siguion Reyna, kasama sina Bimbo Cerrudo, Miguel Castro, Bayang Barrios, Cris Villonco, Raul Montes, at Rachelle Gerodias.

Because of its huge success, ngayon pa lamang ay may planong follow up ang tatlong oras na palabas na magkatulong na pinaghandaan ng mag-asawang mahuhusay na sina Bibeth Orteza na siyang gumawa ng kuwento at ni Carlitos Siguion-Reyna na siyang nagdirek ng show.

Ginawa itong parang isang zarzuela na gumamit ng mga awiting kundiman at balitaw na patok lalo na sa mga kababayan natin na matagal nang na­­ni­nira­han sa Amerika. Forte rin ang mga nasabing awitin ng lahat ng mga kasama sa palabas. Pinaka-ma­ta­gumpay sa gina­wang palabas ang ginanap sa Palm Beach Flo­rida na kahit $200 ang halaga ng mga tiket ay naubos lahat at kahit na ang lahat ng mga nanood were required to come in black tie, a formal suit.

Dumalo sa mga nasabing pa­­labas ang isa sa dating regular sa show na si Lirio Vital na ngayon ay naninirahan na sa Texas. Pinakiusapan ito nina Direk Carlitos at Bibeth na kung puwede siyang maging stand-in ni Armida sa ilan nilang palabas.  Inaalala nila na baka lubhang mapagod ito at hindi makayanan ang pace. Pumayag naman na maganda pa rin na singer pero hindi siya nakaporma kay Armida. Kinaya ng star of the show at nagsilbi ring producer ng kanyang TV show dito ng maraming taon ang pag-perform sa lahat nilang pagtatanghal. Masaya na lamang na nanood si Lirio at nakipag-reunion sa kanyang mga dating kasamahan.

Dito kaya walang balak ipapanood ang itinanghal at hinangaan ng marami na Aawitan Kita tour?

Mga kasali sa binibining unibersidad rumampa!

Dalawampung mag-aaral na mga babae sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa ang iprinisinta sa media nung Huwebes ng umaga sa isang napa­kaagang pa-presscon na ginanap sa Amoranto Hall ng Quezon City Hall. Sila ang mga kalahok sa isang paligsahan na itinataguyod ng Binibining Unibersidad Peace Emissarues, Inc. sa pamumuno ni Judith Arlene Vergara bilang president and CEO.

Dahil nga mga estudyante lahat ng kalahok at nagsisimula na ang klase nila, and many contestants come as far as Mindanao, and as close as Quezon City, maagang ginanap ang presentation of candidates who were all clad in maong jeans and shorts and the contest’s official T-shirts.  

AAWITAN KITA

AMAYA

AMORANTO HALL

ARMIDA

ARMIDA SIGUION REYNA

NILANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with