^

PSN Showbiz

Ruffa sa Tondo nag-birthday!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sa June 24 pa ang birthday ni Ruffa Gutierrez pero nagkaroon na siya kahapon ng advance birthday celebration sa Baseco Compound, Tondo, Manila.

Sponsor si Ruffa ng World Vision Philippines kaya ang staff nito ang katulong niya sa pag-aasikaso at pagpapasaya sa ating mga less fortunate na ka­ba­bayan.

Bago pa naging sponsor si Ruffa ng World Vision Philippines, may sarili na siyang foundation, ang Roof-A-Child na tumutulong sa mga kabataan.

Pinoy Henyo nakakatensiyon

Nakakatensiyon ang Pinoy Henyo Intercollegiate Edition ng Eat Bulaga. Pati ang mga televiewers, super react kapag hindi nasasagot ng mga contestants ang mga pinahuhulaan. Ang Pinoy Henyo ang walang kakupas-kupas na game segment ng Eat Bulaga na puwede nang ideklara na Pambansang Quiz Show.

Dahil sa Eat Bulaga, mabentang-mabenta sa mga parties ang Pinoy Henyo na sumusubok sa bilis at talino ng mga contestants.

Bagets na dramatic actor nagpa-hair transplant?

Pinaghihinalaan na nagkaroon ng hair transplant procedure ang young dramatic actor dahil biglang kumapal ang kanyang buhok.

Na-conscious na yata ang aktor dahil ginagawang katatawanan ang buhok niya na manipis kaya naghanap siya ng solusyon.

Sa true lang, walang masama kung sumailalim sa hair transplant procedure ang aktor dahil karapatan niya na maging presentable sa paningin ng kanyang fans. Wala siyang dapat ipaliwanag dahil sariling pera ang kanyang ginastos. Hindi rin siya nang-abala ng ibang tao.

Ganyan din ang attitude ko sa mga tao o artista na nagpadagdag ng dibdib at nagparetoke ng ilong. Ang importante, bagay sa hitsura nila ang pagpaparetoke na ginawa. Huwag lang nila tutularan ang ibang mga artista na paretoke nang paretoke ng face pero imbes na maging maganda, lalong na-deform ang kanilang mga mukha.

Away nina Heart at Marian hindi imbento

Si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle M. Teo ang dinumog ng mga reporters na dumalo sa presscon ng 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Biyernes.

Siyempre, ang feud nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang inusisa ng showbiz press dahil sina Mother Lily at Roselle ang produ ng Temptation Island.

Nagbigay ng assurance si Roselle na under control na ang lahat at wala nang maririnig mula sa madir ni Heart na kasali rin sa isyu.

May mga nagmamarunong na nagsabi na ang mga reporters lang ang nagpa­palaki sa feud ng dalawang aktres. Nagpapanggap ang mga nagmamarunong dahil sa totoo lang, sila ang hot na hot na malaman ang puno’t dulo ng away nina Marian at Heart.

Karapatan ng mga tagahanga na malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng mga reporters dahil sila ang sumusuporta sa kanilang mga idolo.

Hindi dapat sisihin ang mga writers/reporters dahil unang-una, hindi naman sila ang sangkot sa gulo ng mga artista. Sila lang ang instrumento sa paghahatid ng balita at katotohanan.

Birthday ni Rizal, hindi holiday sa showbiz

Birthday ngayon ni Dr. Jose Rizal at dahil pumatak ng Linggo ang kanyang birth anniversary, holiday bukas sa buong bansa as in walang pasok sa mga ekuwelahan at opisina.

Hindi uso ang holiday sa showbiz kaya tuloy ang taping at shooting ng mga artista. Pati ang staff ng Startalk, walang holiday dahil tuwing Lunes ang aming weekly meeting.

vuukle comment

ANG PINOY HENYO

BASECO COMPOUND

DAHIL

DR. JOSE RIZAL

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

PINOY HENYO

WORLD VISION PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with