Mommy D may bagong set of diamond din galing kay Manny
Bukod pala sa Hermes bag na ibinigay kay Mommy Dionisia ng kanyang anak na si Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee ay nakatanggap din ito ng isang set ng diamond jewelry mula sa kanyang kampeong anak na labis na ikinatutuwa ng ina.
Ipagpatuloy mo lang Manny ang maganda mong pagtingin sa iyong ina. Dito nagmumula ang magandang suwerte mo. Isang patak lang naman sa timba ng yaman mo ang naibibigay mo sa kanya pero ang kapalit naman nito ay sobra-sobrang grasya. God loves those who treat their parents well.
Ryan hari na ng komersiyal!
Magiging hari na ng mga komersiyal ang mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo. Halos siya na lamang ang napapanood sa TV endorsing one product after the other. Kung hindi siya nagmumumog, tumatalon siya sa buwan, umiinom ng alak, at kung anu-ano pang gawain na dati ay limitado lamang sa kanyang paghu-host ng Talentadong Pinoy at pagiging miyembro ng Dabarkads sa Eat Bulaga.
The times have indeed changed in favor of the very capable TV host na feeling ko ay mas sinuwerte nang mapangasawa ni Juday. Pati nga ang panganay nilang si Yohan ay nakakasama na rin nila sa komersiyal. Parang ilang panahon na lang at makikita na rin natin si Baby Lucho.
Ang maganda kay Ryan, his feet have stayed firmly on the ground. Sa EB ay tinutudyu-tudyo lang siya ng mga kasamahan niya pero ginulat niya sila when he consented to sing na parang sa isang concert kamakailan. Okay din lang na maligo siya ng slime kapag ang natatapatan niyang kalahok sa Pinoy Henyo ay talo.
Ang maganda pa kay Ryan, nakakapag-command na siya ng presyo niya ngayon. Nagagawa rin niyang makapagpalipat-lipat ng GMA, TV5, at maski na ABS-CBN na kung saan nakakontrata ang misis niya.
Bianca kontrabidang-kontrabida
Maiiwasan ba ni Bianca Manalo ang hindi mapagbintangan sa split up nina John Prats at Rachelle Ann Go eh balitang-balita na nagbababad siya sa dressing room ni John? Wala man siyang kasalanan, pagbibintangan at pagbibintangan siya. Siguro kapag nakita ng publiko na hindi pala sila isang item ni John, na walang nagaganap na ligawan sa kanilang dalawa, at saka nila babawiin ang tatak na third party na ibinigay nila sa beauty queen-TV host. Pero habang mainit pa ang isyu, magtiiis muna siya sa imahe ng isang kontrabida na ibinibigay nila sa kanya.
Pampagueña wagi sa PAGCOR singing contest
Isang magandang singer na mula sa Angeles, Pampanga ang nag-kampeon sa unang singing contest na magkatulong na itinaguyod ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa pamumuno ni Ogie Alcasid at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Siya si Marie Joyce Brade Tanana na tumanggap ng premyong P300,000 cash, P500,000 performance contract, at P20,000 bilang finalist.
Second placer naman si Charles Kevin C. Tan ng Bacolod City. Tumanggap siya ng P200,000 at P20,000 bilang finalist at si Renz Ruther Robosa ng Pangasinan na bibigyan naman ng P100,000 at P20,000.
- Latest